Home » Post Item » Pahiram ng Pauso mo Karylle: I am Moving Forward (Goodbye i.PH Domain, Hello Bulagspot Datkomista)
Pahiram ng Pauso mo Karylle: I am Moving Forward (Goodbye i.PH Domain, Hello Bulagspot Datkomista)
March 19, 2009
Itaga niyo ‘to sa mga pekpek at betlogs niyo, ito na ang huling post ko sa kutang walang kwenta kong ‘to.
Lilinawin ko lang. Hindi ito muling pagpaparinig sa mga kinauukulan ng i.PH. I’ve said it before and saying it once again would be redundant. Ang pag-alis ko sa i.PH ay bunga ng mga pangyayaring ni sa hinagap ko eh hindi ko lubos maisip. Kung nabasa mo ang huling blog entry ko, malalaman mong ilang araw na kong bisi-bisihan sa datkomista project ko. Oo, hindi ka nagkakamali ng pagkarinig at lalong wala ka ring tutuleng kelangang hukayin sa ear drum mo. Si Lio Loco, ang walang kuwentang may-ari ng walang kwentang kutang ‘to eh isa nang certified datkomista.
Kaya nga netong mga nakaraang araw eh wala akong matinong post dito. Ngayon ko lang nalaman na madugo pala ang HTML ekek na yan at mas masahol pa sa pagkakaron ng tulo ang dadanasin mo sa pagbutingting at pag-mentina sa datkom. Ngayon pa lang, aaminin ko nang mamimiss ko nang bonggang bongga ang user-friendly navigation ng i.PH. Kung hindi lang talaga sa taragis na server downtimes at sa mga Pong Pagong servers nila eh hindi talaga ako lilipat ng kuta.
Pero napasubo na ‘ko. Hindi ko naman kasi alam na may seseryoso sa pagpaparinig kong sana eh may magdonate ng domain. Jokeness ko lang kaya ‘yun. Malay ko bang dead serious na pala ang dating sa ibang nilalang from makamundong sangkablogosperyohan awter ispeys? Hehehe. Sino ang salaring hindi pala pwedeng mabiro sa teleserye ng totoong buhay at totohanang nag-isponsor sa bago kong domain? Walang iba kundi si Kosa Poging Poging kasalukuyang nagkukuta sa Canada. Ang kakosa ng Pinoy sangkablogosperyohan na isa sa patuloy na kumikiliti sa ating mga tumbong sa kaniyang baku-bakong bulagspot kronikels.
Kaya heto na. Matapos ang anim na buwang pakikipaglandian sa domain ng i.PH, matapos ang 288,531 hits, animnapung blog posts (61 kung isasama mo ang kabalahuraang ‘to), at 570 comments, may halong lungkot at galak kong ipinababatid sa inyo na si Lio Loco at ang kaniyang certified adeekamputa kabalahuraan eh maglilipat na ng kuta.
Tulad ng paglipat ko ng kuta sa teleserye ng totoong buhay mula España, Manila patungong Kapitolyo, Pasig, marami rin akong mamimiss dito sa kuta kong ‘to:
Sa maniwala kayo o hindi, mamimiss ko ang buwakanginang server downtime sa walang kuwentang kuta kong ‘to. Mamimiss ko ang pagpost ng mga maddapakingshet rants patungkol sa i.PH at ang agarang pagresponde ng mga kinauukulan. Mamimiss ko ang user-friendly, HTML-free navigation ng domain na ‘to. Ang walang kahirap-hirap na paggamit ng side bar tools, pagupload ng pictures, videos at audio files. Tsk tsk tsk! Hindi ko man lang naipasada ang malambing kong boses sa kutang ‘to. Eh hindi ko pa man din alam kung pwede kong gawin ‘yun sa domain na lilipatan ko.
Mamimiss ko ang pagkablock ng kutang ‘to ng mga lecheng IT namin sa production floor. ng pinagkakaputahan ko ‘Yung tipong kapagka break at lunch out lang tsaka dali-daling bababa sa lobby para makapag-Intarnetz at nang ma-approve ang mga comments nang real-time.
Higit sa lahat, mamimiss ko kayong mga naligaw ng landas dito. Kayong mga nakadaupang palad ko sa Intarnets at di malao’y naging kabagang at kabarkada ko na sa makamundong sangkablogosperyohan. Teka, mamimiss ko nga ba kayo? Eh obyus namang maliligaw pa rin naman kayo nang landas sa bago kong datkom kuta di ba? Hehehe.
So pano? Hihiramin ko muna ang pamosong pauso ni Karylle sa kaniyang breakup ekek kay Dingdong Dantes na inagaw daw ni Marian Rivera na dating ka-live in ni Lio Loco na isa sa mga krasness ng makamundong sangkablogosperyohan. Hakhak! Walang kokontra. Huling post ko na nga ‘to sabi eh. I’m moving forward to my new datkom kuta at siyempre, malamang sa malamang, kasali pa rin kayo sa bonggang bonggang kulitan natin sa makamundong Pinoy sangkablogosperyohan.
Muli, ‘eto po ang narcissistic, angst-ridden bastard na si Lio Locong nagpapasalamat nang taus-puso sa lahat ng naging kabahagi ko sa paglikha ng patlang sa napakalaking makamundong malawak na sapot sa loob ng anim na buwan. Isa pang hiraman blues. Mula naman kay John Lloyd Mongoloid at Biogesic: Yngatz!
Oops…Muntik ko nang makalimutan ang bagong address ko. Hehehe. ‘Eto na…Kitakits na lang tayo rito ha? Ü
Previous Comments
AKO, HINDI KO ALAM YANG HTML EK EK NA YAN HANGGANG NGAYON..AT WALA MAN LANG INTERESADONG MAG FREE TUTORIAL SAKIN..ANYHOO..WELCOME…KAHIT SAAN KA PA MAGPUNTA LIO LOCO..ANDITO PA RIN SI DYOSA VANVAN PARA SAU..AHEKS..PERO HINDI NA ALWAYS..MASYADO NANG BUSY ANG TINATAHAK KONG CAREER..BASTA..SISILIP SILIP LANG EVERY NOW AND THEN HA..
Posted by vanvan at March 20, 2009, 5:34 pmyebah…
Posted by anakngpating at March 20, 2009, 7:00 pmmay tanong pala ako kung may tech support sa company nyo… try out lang ako… no harm naman e… hahaha!
send ko resume ko sau pag meron..
sana ganyan din ang mga bahay ngayon…
Posted by bbelongi at September 10, 2009, 9:19 pmVarious people in the world get the mortgage loans from different banks, just because this is comfortable and fast.
Posted by LoganROWENA at May 13, 2010, 12:18 am






wow..
welcome welcome sa blagispat!
at masasanay ka rin sa html na yan… taena ganyan din ang naramdaman ko nuong bagong salta pa lang ako… hehehe
pero ngayun, ayus na..kayang kaya ko nang pasadasan minmo ang blog ko kahit na wala si Yanah! hahaha
sige kitakits sa bagong bago mong Kuta
Posted by kosa at March 20, 2009, 5:30 am