Breathing The SSDD Mantra

chronicling the raves and rants of a narcissistic, angst-ridden bastard in orgiastic moans recluse as he drifts to the SSDD mantra... life can be boring, especially if you're bland to begin with. the world is round and it can make you a fool if you let it. stab the snooze. make a mark. crawl out of your TV celluloid and live a wicked life. because life's a bitch and you have to be a bitchier fuck-me-Freddy to live. viva la vida!

Huling Laklak ng Alak sa Españang Takatak

March 14, 2009

I so fuckin’ love this company!

huling patak ng alak. sa apmnt. ngaun na. take it or leave it.

Kagabi lang eh naisipan kong magpainom.  Biglaan. Wala sa plano. Dapat sana eh wan on wan lang talaga kaming dalawa ni Pareng Gerald. Tamang lashing lang kako. Pantanggal ng angas dahil sa pagkapagod sa biyahe na pinalala pa lalo ng buwakanginang trapik. Pero dahil matagal kong hindi makikita ang mga taragis na pagmumuka ng mga hinayupak, inimbita ko na rin ang prenster prens kong aydol si Cory Aquino (kung gaano ako kakuripot, mas kuripot ‘tong mga ‘to…pramis!).

Nagtext ako sa mga katropa kong mga royal highness ng pakiramdaman  at pagkarating namin ni Pareng Gerald sa apartment galing sa lampas-riles para bumili ng bulalo, inihaw na pusit at liempong pulutan eh andun na ang mga hinayupak. Walastik! Basta libre talaga anlakas ng pang-amoy ng mga nilalang na ‘to. Gusto ko pa sanang dagdagan ng joke joke joke ‘yung text pero message sent na eh.  Wala nang bawian. At andun na sila. Kumaripas ng takbo mula sa kuta nilang pagmamay-ari ng lalakweng may regla papunta sa kuta naming minamandohan ng babaeng pinaglihi sa menopause sa sobrang asim ng pagmumuka.

At dahil paminsan-minsan lang ‘to, nagpaka-filthy rich ako at Pulang Kabayo ang nilaklak namin. Hindi GSM. Hindi Emperador. Hindi Gran Matador. Buhos kung sa buhos ang labanan. Basta ang usapan, walang susuka nang bonggang bongga. At lalong walang maingay dahil baka magising ang buwakanginang dragon sa baba’t lapain kami nang di oras. Nasa ikatlong palapag pa naman kami.

Namiss ko ‘tong setup na ganto. Nakapaikot ang lahat sa mesang puno ng huntahan, alak, pulutan, at yelong lusaw. Makalat pero ayos sa olrayt ang samahan. Ako ang tanggero at habang umiikot ang basong pinagsasaluhan, umiikot din ang kuwentong nagpasalin-salin sa bibig ng kung sino mang maangas na hindi pa tinatamaan ng malupet na sipa ng serbesa.

Tulad ng sabi ko noon, sa ganitong porma ng beer session ako higit na palagay. Mas gusto kong umiinom sa loob ng sariling bahay kesa sa kung saang mamamahaling pasosyalan dahil mas nagiging totooong tao ka sa teleserye ng totoong buhay. Walang inhibitions. Pwede kang sumalampak habang nilalaklak mo ang serbesa. Pwede kang magbackflip habang binabangka ang mga malulutong na kuwentong chichakorn. Pwede kang umepal sa kupal na nagbibidang wala raw ‘yan sa kalingkingan ng lolo niya. Pwede ka ring maghubo’t hubad at ibalandra ang nanlilimahid mong katawan sa sangkatauhan dahil wala lang, trip trip lang. Pwera biro, nagawa na namin ‘to sa Baguio. Certified adeekamputa! Hakhak!

Higit lalong mas mainam  ang magpakabangenge sa loob ng sarili mong kuta dahil bukod sa mura na ang beer at walang nakakalokong patong tulad ng sa mga bars, napakalapit pa ng banyo para magpakain sa mga alaga mong bibe. Kung hindi ka man umabot sa point of withdrawal, ayos pa rin dahil pwede mo pa rin namang linisin bukas makalawa ang suka mong produkto ng pagkalaspag mo sa alak kagabi. Okey payn. Gross na kung gross. Gawin nating isang oras pagkatapos bumulwak ang samu’t saring lamang loob mo para di na uurin bukas makalawa. Hakhak!

Pero seryoso, da best pa rin ang inuman sa sariling tinutuluyan dahil maski saan ka abutan ng pagkalasing mo eh okei lang. Wala kang pag-aalinlangan maski na kaladkarin ka pabalik sa kuwarto mo kasi nasa bahay ka lang. Di tulad sa labas na pigil ang pag-inom dahil baka limang oras pagkatapos magpaka-wet and wild sa ice-cold booze eh magigising ka na lang na walang saplot sa katawan at inagawan na pala ng puri sa kung saang kangkungan.Tsk tsk tsk!

Puta. Ang daming pasakalye. Hehehe. So ganun nga. Nagreminisce ang mga puta. Tipong pang-Maalaala Mo  Kaya ang drama at nagbalik tanaw sa kahapon. Parang kahapon lang daw eh ganito rin ang setup namin nung college at imbes na pumasok sa klase eh alak ang sabay-sabay na pinagkukumpulan. Tamang kuwento. Tamang patawa. Tamang videoke marathon sabay kampay sa bote ng Pulang Kabayo at sakal sa seksing leeg ng Emperador. Tamang trip sa buhay dahil paminsan-minsan, kelangan din naming mag-unwind at alisin ang sobrang angas at banas na dulot ng pinagpatung-patong na problema sa pamilya, eskwelahan, at lablayp. Nakakapressure din kaya ang istudent layp, kala niyo ba? Wahehehe!

Tulad ng nangyari kagabi. Tamang tagay dahil iyon na ang huling laklak ko sa España.  Sa puntong ito, ipinamamalita ko sa mga nilalang na naligaw ng landas sa walang kuwentang kutang ‘to na si Lio Loco eh opisyal nang lilisanin ang kuta niya sa España, Manila at tuluyan nang mananahan sa Kapitolyo, Pasig City! (sabay wagayway sa dalawang kamay na parang kontestan sa Miss Hindi Mo Ba Alam Pinagnanasaan Lang Ang Keps at Boobs Mong Natatakpan Lang ng Kakapiranggot na Saplot 2009 beauty pageant.) Dapat sana eh hindi ko lilisanin ang España dahil malapit lang ‘to sa CPAR kung saan sana ako magrerebyu for the CPA Board. Eh kaso change of plan na naman ang nangyari. Dahil ala pang matinong trabaho si utol, nagdesisyon na kong ilagay ule sa backseat ang pangarap ko at tuloy ang pagpasada sa pagpapakaputa sa Makati. Indefinite ang CPA Board review sa ngayon.

Kaya ako nalipat sa Pasig at nagpakupkop sa isa ko pang grupo ng mga barkada. Oo, marami akong barkada at tulad ng kahon-kahong sapatos eh grinugroup-group ko rin sila. May pangkat ng mga bogaloids na laklak at bisyo lang ang laman ng kukote. May mga grupo ng genius Promil children na intellectual discourses lang ang huntahan. May mga group of peeps namang tamang trip at tambay ang buga. Etong huli lang eh nadagdagan na naman ang kahon-kahon kong barkadahan. Kung sino sila? Sino pa eh di ang mga grupo ng pinaghalu-halong adeekamputa’t makulet ang lahing naligaw ng landas sa bulagspot na ‘to. Sino pa kundi kayo mismong masugid na umaantabay sa bawat kabalahuraang ipinapasada ko sa walang kuwentang kutang ‘to. Uuy…nangiti siya! Hehehe.

Ayun. Na-digress na naman tuloy ang puta. Balik tayo sa mesa kung saan umiikot ang post na ‘to. Tamang lashing kami kagabi at habang tinitipa ko nga ang bawat kataga rito ngayon eh walang puknat naman ang pagbayo ng kung anumang imbisibol pala sa sentido ko. Taragis, hangover kung sa hangover ang siraulo. To think na papasada na ule ako mamaya sa pagpapakaputa. Tsk tsk tsk!

Sabi nila mamimiss daw nila ako. Na kesyo raw napakalayo ko na para bisitahin pa sa Pasig at malamang sa malamang, once in a blue moon na lang mauulet ang beer session na tulad nito. Utot nila! If i know eh ‘yung panlilibre ko lang naman ang mamimiss nila.  Pero on second thought, baka nga ganun din ang kahihinatnan ng lahat. There’s a cliche that tells us that absence makes the heart grow fonder; I beg to disagree. For when someone becomes silent for too long a time, the memory of that someone slowly fades away. And before you know it, sooner or later, that someone is nothing but a speck of stardust in your subconscious. 

Maddapakingshet! Ayokong mangyari ‘yung ganun. Napamahal na sakin ‘tong barkadahang ‘to dahil dito ako nakilala bilang ako, hindi bilang isang taong nakakahon sa stereotypical na tagging ng lecheng lipunang ‘to. Dito ako nagkaron ng sariling identidad na malayo sa naunang kabit sakin nung bata pa lang ako. Dito ko nakita ‘yung totoong meaning ng prenship, ‘yung sarili kong spot in the hol wayd yunibers. Leche, Ka-emo-han na naman ang puta. 

Mamimiss ko ‘tong mga taong ‘to. Mamimiss ko ang inuman sessiong tulad nito. Ang kulitan, asaran, epalan sabay hagikgik sa kung anumang kwentong chichacorn ang nakalapag sa mesa.  Mamimiss ko ang baha sa España. Ang trapik. Ang pagkaburyong ng mga jeepney drivers na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin magets bakit kelangang bumusina nang pagkalakas-lakas sa kasagsagan ng trapik (hindi naman mababawasan ng pagbusina ang haba ng trapik). Ang mga rapid chess players-slash-chess ang ikinabubuhay ko kaya umayos ka’t pumusta na sa tapat ng MonSay High na dinadaanan ko pagkagaling sa trabaho at manghang-mangha sa bilis ng moves at talas ng isip (Hindi na lang ikaw ang idol ko, Wesley So! Hehehe.).

Mamimiss ko ang factory ng batang napakaingay sa kalsadang naghaharutan habang kasagsagan naman ng pagtulog ko sa tanghali. Silang mga nagsasamperwan, nag-wawantutri asawa ni Marie (na ayon kay kabayang Sam eh kataka-takang kelangang mag-panty eh hindi naman siya babae; hinuha ko bading ang asawa ni Marie.). Silang mga chikiting patrol na sumisigaw ng “Sunog! Sunog!” habang naglalaro ng tubig sa labas at ako nama’y mapapabalikwas only to find out na joke lang pala ang lahat. Sarap kurutin sa singit ng mga little rascals na ‘to eh no?

Mamimiss ko ang buwakanginang Aling Masungit na may-ari ng apartment na tinutuluyan naming mabait lang kapagka bumili ka sa tindahan niya, nagpaload ka sa Smart, o di kaya nama’y pinakyaw mo ang paninda niyang halu-halo’t sago gulaman. Mamimiss ko ang pagtataray niya sa utol ko at kay Tina at kay Tita na sa hindi malamang kadahilanan eh laging kumukulo ang dugo sa kanilang tatlo. Mamimiss ko rin ang mga adeek sa mahjong na kapitbahay naming madaling araw na eh ayun at bising bisi pa rin sa pagbalasa at pagdive sa mga kuwadradong mahjong cubes (kung yun nga ang tawag dun.) Mamimiss ko rin ang mga bhebot kolehiyala’s na pagala-gala lang sa Rectong pakyut nang pakyut at coño-speak ang mga dila.

Tae. Ang dami ko palang mamimiss. Ang dami ko pang hindi naikukuwento sa inyo tungkol sa kasalukuyan kong pinagkakakutahan na dapat sana’y ipapasada ko pa sa mga susunod na posts ko rito. Eh ang kaso, malupit ang tadhana. Minsan, mas magandang wag na lang magplano para di maudlot kapagka nagkataon. Hindi mo pa iindahin ang pagkabagsak ng tumbong mo sa kung saan mang palapag dahil hindi naman naging mataas ang pinaglagyan mo sa sarili mong plano. Ilang beses nangyari sakin ‘to at ilang beses na ring nauunsyami ang plano sa bandang huli. Kaya sa ngayon, ayoko munang magplano. Makikisayaw ako sa sandaling ito. Kakandirit kung kinakailangang kumandirit. Magbabackflip kung kinakailangang magbackflip. Tingnan natin ngayon kung may alas pang tinatago ‘tong taragis na tadhanang ‘to sakin.

 No bounce, no play.

*Pasensiya po sa hindi magandang kalidad ng mga kuha. Third world cam phone lang ang gamit diyan. At hindi ako makapag-isip ng magandang caption dahil minamadali ako ni Miss Yanah Ganda. Ahehehe.

Nasilip ang puta! Hakhak!

Isa pang silip para sa inyong mga interesado sa adam’s apol ko. Hehehehe.

Bro, pansinin mo ‘yung kamay ni Baby Cat. Hindi kaya sila na’t pinagpalit ka na niya for good? Wahehehe. Peace!

Sige lang, Art. Laklakin mo ang pitsel! Marami pang reserba!

Ampotah! Caught in the act si Bro at Baby Cat na naglalampungan! Hakhak!

           

 

Kung gaano kita kadalas ipakyu, ganun ka kahalaga sa akin.

Kaya Daddy Dandan, peace tayo! Wahehehe!

  

Off-topic:

Apat na araw na lang at magsi-six month anniversary na ang walang kuwentang kutang ‘to. Huwaw! Akalain mo ‘yun. Tulad nang nauna ko nang patalastas, meron akong pakulong iniluluto para sa espesyal na araw na ‘to. Malapit na rin ang paglipat ko sa sarili kong datkom na inisponsoran ng poging poging si Kosa. (Wahehehe! Ayos ba ang build up parekoi?)

Inaayos ko na lang ang konting gusot sa cross-posting ekek at nang di ko naman mabaon sa puson limot ang pagsisimula ko bilang hamak na Lio Loco rito sa i.PH. At yaman din lamang na napunta na tayo sa blog technicalities ekek, pagsasamantalahan sasamantalahin ko na rin ang pagkakataong ito para humingi ng layout na pwede sa blogspot. Anong klaseng layout? Gusto ko para ring ganito sa ssdd.i.ph. Maitim ang budhi, simple pero ubod ng lufeet. Hehehe. Maraming salamat. Abangan ang susunod na kabanata. Malapit na malapit na.

Posted by ssdd at 1:14 pm | permalink

Previous Comments

sumakit ang bangs ko sa entry mo…
baket? ewan ko?! ikaw ba..alam mo?! ok fine! minadali kta.. eh kase ba naman! after 478 years bago mo natapos tong very very very shorttttttttt blog entry na toh.. kumustahin ka naman…naka 6 na folder na ko ng ineencode ko di ka pa rin tapos! at ang mga lumot at amag sa paligid-ligid ng blog mo…hindi mo ba napansin?! bwahahahahahaha

at talagang napangiti mo ko dun sa part na sinabi mong “uy! nangiti sya…” hahahaha

hmmm mei mga memorization din ako jan sa españa eh… at shempre hindi ko muna sasabihin kung san banda jan at kung ano ung mga memorization na yun sayo dahil hindi pa tayo gaanong close bwahahahaha

so, necessity talaga na magpost ka ng photo na nakasilip ka pero di ka pa rin kumpleto??? may pataskip-takip ka pa jan… nyahahahaha

at kailangan talagang nag 1-2-3-marie ka rin ni isa pang krasssss ko na si samjuan? hahaha

malapit na pala ang 6monthsary mo… kongretsssss! hehehe… at kongretsss din dahil nauto mo si kosapogi na sponsoran ang nalalapit na pagiging datkomista mo.. ang yayabangggggggggggg nyo! hahahaha

at sa lay out naman…. gusto ko sanang tumulong yaman din lamang at may kaunti na akong kaalaman sa mga bagay na yan.. kaso sorry… wrong timing… nasa stage kase ako ng pagrerenovate ng buhay ko eh kaya alang mapapala sa malabnaw na utak ko.. hahaha

so, finally, natapos ko na sya hmmmmm hindi ko na masyadong pahahabain at mahaba na talaga ang comment ko… ano na alng… hmmmmmm ADIKKKKKKKKKKKKKKKKKKK ka! talaga! hahahahaha dapat magpapainom ka ren sa mga adikkkkk na gaya naten ha hehehe

babushki!
p0oooooooooooooooof!

Posted by YanaH at March 14, 2009, 6:03 pm

ayus! d ko mashado nabasa ng maayos to sa kadahilanang naghahang ang PC ko for some gawd-darn reason tuwing bubuksan ko ang site mo hehe. cguro dahil masyado mabigat. bigat chong, bigat. lolz. nawa’y maging maayos naman ang iyong paglipat and gud lak. mauke sure u make friends dun agad para ok sa olrayt. see u around brader.

Posted by binchee at March 14, 2009, 7:08 pm

hi…

nice writings…unique

Hope ur ok…

Posted by cez at March 14, 2009, 7:11 pm

@yanah: ang ikli naman ng comment mo. kasing ikli ng post ko. wahehehe.
at may bangs ka pala? hehehe. ako rin, meron. sabi nila, signos daw un ng pagkakaron ng emo tendencies. ang sabi ko naman, matagal na kong emo. at adeek pa! wahehehe.
eh panong di ko matapos nang maaga, lagi kang pasulput sulpot sa yam em. haynakunaman! hehehe.
hulaan ko. sa loyola ba? dun madalas tumambay ang maraming adeek eh. hakhak!
oo, necessity talaga yan. mabuti nga’t mata na lang tinatakpan ko ngayon. hindi na buong muka ko. sa teleserye ng totoong buhay lang ako magpapakita nang buo. kaya pagtiyagaan mo na lang yan miss yanah. hehehe.
oo, 1-2-3 asawa ni marie. araw gabi, walang panty. eh pano naman kasi magpapanty yun eh lalake siya. lolz!
salamat salamat! hindi lang kami mayayabang. ang popogi pa. oha oha!
aws…sige sige. asikasuhin mo muna yang malabnaw na pag-uutak mo. ibang klase talaga yang problema mo miss yanah. ambilibabol. pramis.
adeeeeeeeeeeeeeek ka rin miss yanah. adeek ka times two! babay! Ü

Posted by lio loco at March 15, 2009, 1:33 am

@binchee: ginawa pang reason ang bigat daw o. ang totoo naman, yung tumitipa ang mabigat. hehehe. joke. i mean, may mabigat na issue ung tumitipa nung comment pala. hakhak!
sana makapagmoving porward ka na rin para masaya. damay damay na ‘to. wahehehe.
of course, i’ll be making friends in the neighborhood. mang-aarson lang ako sa mga kabahayan nila. wahehehe.
seeyah around bro!

Posted by lio loco at March 15, 2009, 1:36 am

@cez: hello…
thanks for the unsolicited flattery…you make me wet in my boxers. lolz!
i am ok…

Posted by lio loco at March 15, 2009, 1:38 am

taena.. andami mo ngang mamimiss parekoy..
wag ka nalang kasen lumipat.. dyan ka nalang..hehehe
sabagay, tingin ko sa mga muka nila, mamimiss ka din nila..

teka, agree agree ako dun sa sinabi mo ahhh… masmaganda yung— anu na nga ba yun? yung planuhing wag planuhin..hehe yung sinabi mo para hindi maudlot..lols

basta yun na yun…

Posted by Kosa at March 15, 2009, 6:27 am

wow… hindi mo na pala sinasala ang mga komento.. ngayun ko lang napansin… anu nakain mo?
lols

sige sige, sa offtopic mo, go ako dun!
mag-check ka nalang ng domain na gusto mo at kung available pa..lols

sa layout naman mag-advertise ka. madami ding mala-Rosa Rosal dyan na gagawa ng kawanggawa.

Posted by Kosa at March 15, 2009, 6:30 am

@kosa: hehehe. kung pwede lang eh. eh ang kaso, kelangan talaga. tsaka para maiba rin ang surroundings ni lio loco. malay mo, maiba rin pagkasiraulo niya di ba? lolz!
hehehe. oo. un na un. dpat hindi ka na nagpaplano. save! hehehe.
hindi na nga. tinatamad na kasi akong maglogin logout sa kuta kong ‘to. kaya ayun. pag nagcocomment ako, parang kayo rin lang na may mga key word ekek ding isusulat para pumasok. lolz!
oist, malapit na yun kosang poging pogi. nakapili na ko. email kita pag pwee nang pasadahan.
ganun ba? wahehe. sana nga may mahabag uleng naligaw ng landas dito. lolz!

Posted by lio loco at March 15, 2009, 11:15 am

tara inom tayo hehe…gusto ko makitang nagwiwithdraw ka hehe …
ano kaya itsura mo noh kyuryus na rin ako eh hehe..

nakakamis nga naman talaga ang bonding with katropa,kabagang..lalo na sa inuman ..

nag takip ka pa ng mata eh halata ka na loco hehe,…

Posted by anakngpating at March 15, 2009, 1:39 pm

“Pero seryoso, da best pa rin ang inuman sa sariling tinutuluyan dahil maski saan ka abutan ng pagkalasing mo eh okei lang.”

AMEN. Kakainom ko lang kagabi at laseng na laseng na laseng ako. Buti sa bahay namen ang inuman!

Posted by Kevin at March 15, 2009, 3:42 pm

bakit ka naman lalabas pa para uminom… mahal ng alak tapos mapapagod ka tapos di ka malalasing…

sa bahay na lang…

Posted by dotep at March 15, 2009, 9:20 pm

@anakngpating: tagay tagay!
hahaha. mahihirapan ka niyan. hindi ako madaling malasheng at lalong mahaba-habang inuman muna bago ako magwithdraw. lolz!
itsura ko? nasilip ako sa jan sa may profile ko sa may bandang kanan. ganian ang itsura ko. yun nga lang, muka na naman akong korean anime clone ngayon dahil sa gagong gupit ko. wahehehe.
halata ba? hahaha. ewan. nakapiring naman ako ah. lolz!

Posted by lio loco at March 16, 2009, 1:50 am

@kevin: hehehe. ayos yan! happy bertdey pala brod! diseotso na! legal na legal na! pwede! hehehe. :D

Posted by lio loco at March 16, 2009, 1:51 am

@dotep: uhm…alam mo naman ang mga nagpapakaputa sa makati. mahilig sa bar bar drinking session. mga kateammates ko, mahilig dun. kaya minsan, hindi ako nakakasabay. kaya ayun nga, mas masarap uminom sa bahay. mixmo! yun na. hehehe.

Posted by lio loco at March 16, 2009, 1:53 am

kyut naman gupit mo ah hehe…
gwapings nga eh …
ganun ba ako pala ang susuko sa inuman hehe..
kasi hindinaman ako umiinom haha…water lang ako hehe…:)
bat naman kasi nagpiring ka jan…

Posted by anakngpating at March 16, 2009, 9:02 pm

hay, nabasa ko lang ang espanya e nagemote din ako. miss ko din ang mga nilista mo tungkol sa espanya tulad ng potholes at baha pati mga sidewalk vendors

Posted by kengkay at March 16, 2009, 9:07 pm

@lovely aka anakngpating: hehehe. kyut ba? sows! di lang gupit, pati ung me-ari ng buhok na ginupit. wahehehe.
hindi ka umiinom? tsk tsk tsk. wan taym, pasyal ka rito at nang maturuan kita kung pano lumaklak nang bonggang bongga. wahehehe.
nakapiring ako kasi may kasunod na hazing niyan after ng laklakan. tapos oblation run ang kasunod. wahehehe.

Posted by lio loco at March 17, 2009, 3:30 am

@mami kengks: na-españa rin ba kau dati? hehehe. honga eh. nakakamiss talaga ung bahang hanggang pusod. yung instant beach sa gitna ng lungsod. lolz!

Posted by lio loco at March 17, 2009, 3:31 am

BUSY MASYADO SI DYOSA VANVAN NGAUN..HINDI KO MAN LANG NABASA ANG POST NA ITO..SPARE ME FOR TODAY AND FOR THE DAYS TO COME..

AHEKS.

BASTA, ANDITO PA RIN AKO SA TABI TABI..SILIP SILIP..

Posted by vanvan at March 17, 2009, 12:04 pm

cge paano ba pumunta jan sa kuta mo hehe oy tinag kita pumunta ka sa kuta ko hehe…pis hehe

Posted by anakngpating at March 17, 2009, 4:01 pm

Iwan ko ba. Indi ko magawang magpakasaya sa paraan ng comment ko.. Indi ko alam. apektado din siguro ako ng pamamaalam..

oo….tama ang mga kalaban ko, May araw din ako na magiging emo. Shit..nagiging emo ako..fuck.

indi ko alam kung saan ako dadalhin ng tadhana…

i smell manila…coming soon.

Posted by Maldito at March 17, 2009, 5:19 pm

malungkot parin ako sa mga nangyayari sakin… :(

Posted by Maldito at March 17, 2009, 5:20 pm

Ui datkomista SSDD Boy! sorry ngayon lang ako napdpad ulit dito bro. Nabusy sa school eh. Cge help kita hanapan ng magandang template. Bakit blogspot ka? ayaw mo ba mag Wordpress??

Posted by Basti at March 17, 2009, 6:41 pm

tuwing nakikita ko ang pic mo na binubura mo yung mata,naaalala ko mga reyp biktims.hahaha

Posted by flamindevil at March 17, 2009, 9:57 pm

@vanvan: BUSY BA? KAYA PALA DI NARARAMDAMAN NG MAKAMUNDONG SANGKABLOGOSPERYOHAN ANG ALINDOG MO. HEHEHE.
AT DAHIL NAGCOMMENT KA NANG HINDI PA BINABASA ANG POST KO, HINDI KITA BIBIGYAN NG MALUFEET KONG POWERHUGZ. LOLZ!
HUWAW! NOSEBLEED AKO SA ENGLISH MO. ALANG KATYPO TYPO. HAKHAK!
BAKA DI MO NA KO MASILIP. LILIPAT NA KO NG KUTA. HEHEHE.

Posted by lio loco at March 18, 2009, 6:24 am

@lovely aka anakngpating: uhm…hindi ko pa nga rin kabisado eh. taragis. di tulad ng sa españa na kadale lang sumakay. basta ang alam ko, sasakay ka ng jip na pasig palengke. tas baba ka run sa maraming jeep na umiikot. yun. hehehe. antay ka ng mga katropa ko rito. lolz!
tag na naman? tsk tsk tsk! sige sige. may utang pa kong ibang tag kaya pending pa ‘to ha. gagawin ko xa pag mejo onti na lang backlogs ko. hehehe.

Posted by lio loco at March 18, 2009, 6:27 am

@maldito: hoy emo, ilaklak mo lang yan! tae. pati ba ikaw eh mada-down din? sows! tapos na ko sa stage na yan. lam mo ginawa ko? naglaslas ako gamit ang blade. pero di ako kinuha ni lord kasi mali ung paglaslas ko. vertical pala para talagang matatamaan ang pulso. hindi horizontal. try mo sau, okei? lolz!

Posted by lio loco at March 18, 2009, 6:30 am

@maldito: eto ung seryosong comment. hehehe.
ang masasabi ko lang, hindi ka bibigyan ng problema ni lord na di mo kayang lutasin. so okei lang yan. sows! ang mga poging malufeet na tulad natin eh hindi nagpapatalo sa anumang laban. itaga mo yan sa malaking yagbuls mo!

Posted by lio loco at March 18, 2009, 6:32 am

@basti: hehehe. shhh…wag muna maingay bro. hindi ko pa kasi pinangangalandakan sa makamundong sangkablogosperyohan ung url. lolz!
tae pa ung kuta ko run pansin mo? kaya kelangan ko talaga ng template na malufeet. gawan mo na ko. hindi naman ako maxadong demanding eh no? lolz!
blogspot kasi premium account lang yan ng bulagspot ko. courtesy of kosang poging pogi. lolz!

Posted by lio loco at March 18, 2009, 6:34 am

@flamindevil: ulol! eh kasi nga allergic ako sa tao. ibabalandra ko lang ang muka ko sa mga taong kawavelength ko. ung personal pa. lolz!

Posted by lio loco at March 18, 2009, 6:36 am

kampai parekøi!!
adios españa ka na pala at welcum Pasig!….merong engineering firm
jan parekøi sa may Meralco Avenue cor Gen. Araneta St. CPH na yata pangalan ng compny..puede dun yung sis mo.

hasta la vista bebeh!

Posted by ålx at March 19, 2009, 12:50 am

@alx: kampay kampay parekoi! muzt ang mga viking warriors jan? asan na ung xena the warrior princess ko? hakhak!
oo. mi ultimo adios na nga ko sa españa. at kung nabasa mo na ang latest entry ko, mi ultimo adios na rin ako rito sa wlang kuwentang kutang ‘to. hehehe.
ah ganun ba? isa pang good news. tanggap na ang utol ko sa isa sa mga pinag-aaplyan nia. contract signing nila sa monday. hehehe.
pero salamat pa rin sa recommendation.
yngatz jan parekoi! Ü

Posted by ssdd at March 20, 2009, 12:05 am

tang ina naman anak.pinakyu mu pko dun.hahehehe eh pagod ako s trabaho kaya nkatulog s sobrang kalasingan, pero di bale anak di tayo ngkakalayo pareho tyong gahaman s alak…magaling k pa ring magsulat kahit my hangover p tyo.pero payo lang anak…dapat my lakas k ng loob minsan…hehehehe

isang tagay sa tagumpay…. wahhehehehehe

Posted by dan-dan at April 25, 2009, 4:10 pm

Add a comment








ain't this friggin' narcissistic, angst-ridden bastard cute?

anonymous.jpg

 

A lot of people tell me I’m special. Of course I freakin’ am! You don’t have to stress the obvious. That’s being redundant.

 

I’m a friggin’ yuppie in his early twenties but looks even younger than his age, sometimes mistaken for a scrawny 17-year-old virgin and as such, I have decided to become eternally twenty to be on the safe side. I am slaving the ephemeral call center whoring job as of the moment but one day, I will become a fuckin’ proud CPA topnotcher. Being a perfectionist who does not conform to stereotypes and anything commonplace, I abhor senseless, pointless discussions by nitwits but adore intellectual discourses from remarkable geniuses in the same league with the caliber of my neurons and synapses.

 


I like wearing black shirts even if black is not a color and I love drinking Red Horse booze with pineapple syrup or GSM Blue enhanced by acerbic Sprite when the night is hugged by penis-shrinking coldness in Baguio. I am left-handed and I like to draw but that does not mean I am dumb at Math. Along with English, Math was one of my favorite subjects in high school. I love to watch anything shocking, gross and bizarre; in fact, I find scenes of decapitated heads and messy, blood-soaked innards oddly engaging. I think I'm eclectic.

 


When my half-Chinese dad chickened out, I got robbed of my childhood phase real quick and was forced to live out the family man title. That was also the time that I bade goodbye to the princely way of living in Manila and said hello to the clusterfuck pauper proletariat life in the province. Being the smartass that I am, I excelled academically and graduated half-wishing I had a worthy adversary in the mold of Einstein or da Vinci to sharpen my not-fully-developed cranial muscles. But if you ask me of my biggest achievement so far, I would have to tell you that’s when I sent my sister to schooling and saw her taking her oath as a Certified Electronics and Communications Engineer. I chose to put my dreams in the back seat for her, you see.

 


When I was still in school, I thought my seatmates were drooling retards and I was an effin’ superior child unworthy to be kept inside such a fucked up pig pen. For chrissake, I deserve something far better than those freakin’ bozos! So if I could choose who I want to share the claustrophobic classroom with, I’d pick Neil Gaiman, Stephen King, JK Rowling, Jessica Zafra, Patricia Evangelista, Conrado de Quiroz, Bob Ong and Scott Garceau hands down. They’re authors, if you’re that stupid, by the way.

 

I do not possess the vapid handsomely looks of dumb celebrity stars (they only have the looks but they don’t have that thing in between the ears, anyway) but I am not ugly either. I think I’m cute and as in my penis, my looks could be thrown up there in the above-average file. I am narcissistic and unsurprisingly, I find satisfaction in looking at myself in mirrors. There’s one flaw in my nearly perfect personality though. I am horizontally-challenged and that actually makes me less handsome than I should be. People have been telling me that had I been given a mesomorph frame, I would surely qualify as a handsome dork. Fine, I’ll hit the gym once I find the time. But then again, I’ve always been busy.

 P1170442 copy.jpg 

 

I love writing and someday, when I’ve already reached the stars and danced under stardust sprinkles, I will write the Great Filipino Novel that will put the Philippines in the world literary map. In the meantime though, I content myself with polluting the Internet bandwidth with fuck-me-Freddy rants and unlimited R18 invectives.


I am a narcissistic, angst-ridden bastard in orgiastic moans recluse and this blog is my first attempt in realizing my idiosyncratic world domination plots. There are currently almost 6.7 billion suckers lurking out there contributing nothing to society but vomit-inducing stupidity. Most of these people are worthy to be guillotined to death for harking out such idiotic yadda yadda's.

 

If you believe in this horrendous truth, then join me in ridding the macrocosm of these useless, pathetic twits. If you're the twit, though, go find someone to savor your last fornication on earth and then prepare to be annihilated. The world will be a better place to live in without you, anyway.



This is my blog. You either love me or hate me. Adding me in your blog roll list is fine but don't expect that I will publish your effin' you're-going-to-hell comment. And yes, I don't do ex-links. That's being pathetic. The blogs in my  blog roll are those that I peruse regularly and normally, I don't tell these people I've added them in the list. If you find that offending or for whatever reason, you feel it is an invasion of your privacy rights, just let me know. I'll scrap your site in the list real quick. Otherwise, consider it a form of flattery.

 

ON SECOND THOUGHT, I THINK I AM NOW WILLING TO DO EX-LINKS. ALL THESE BLOGGERS WHO WILLINGLY PERUSED THIS GOOD-FOR-NOTHING BLOG MADE ME CHANGE MY MIND. SO YES, YOU CAN NOW COMMENT USING A "NICE POST! EX-LINK?" TEMPLATE. HAPPY?

 

Caution: Breathing the SSDD Mantra is my idiosyncrasy in print. If you can't take the heat in this ranting oven, close the tab and  go screw your next-door neighbor's wife, you pathetic little twit!

 

Don't say I didn't warn you...

1_300566795l. jpg

 

douche bag diatribe unlmtd.

go friggin' plagiarize others' works instead

been harry pottered since the philosopher's and when the saga died down in deathly hallows, i got pottered just the same...sigh!

one effin' proof why pinoys are waaay more superior than their occidental brethrens in the history of friggin' humanity

shaving off the angst-ridden bastardness in me (play with my hamster using your mouse pointer)

Subscribe

Technorati
Bloglines

three-liner shits

yes, i want a piece of you! got a problem with that?

hair loss treatment:

nice website..

Pacquiao vs Mayweather:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

RJR BEAUTY INDUSTRY:

We are manufacturers and exporters of prime
Quality Surgical, Dental, Beauty care instruments & Hospital
Equipment and all sorts of Scissors.
We are producing these instruments from best quality Japanese
Stainless steel under Germany technology

M/S RJR BEAUTY INDUSTRY

60 C, Small Industrial Estate
Sialkot- 51310, Pakistan.

Tel:+ 8103467
Cell: 92-300-6179667
92-334-8071045
Fax: 92-52-3550398
Web: www.rjr-beauty.com
E-mail: info@rjr-beauty.com
rjrbeauty@hotmail.com

Moyra Parker:

Dear,s

“RJR Beauty Ind” is an established company involved in
Manufacturing and Exporting of high quality “Manicure/Pedicure,
Beauty care & Beauty Salons instruments”. We are supplying
following products worldwide Barber Scissor Edge T.C Titanium
Scissors Nail & Cuticle Scissors Nail & Cuticle Nippers Nail &
Cuticle Pushers Nail Cutters Acrylic Nail Tip Cutters
Manicure/Pedicure Kits Tweezers Kindly visit for more products
information
Thank you,

Moyra Parker
General Manager

Web: www.rjr-beauty.com
E-mail: info@rjr-beauty.com
rjrbeauty@hotmail.com

mai:

iloveyou. fuck me

mai:

hi pasukan mo nga ko.

toni:

gusto namin pmnta ng dasol (tambobong beach) meron bang place dun to stay overnight or any contact?

ssdd:

Damn, thank you for such strong flattery madam! You may want to stalk me still at thessddboy.com

cat:

You are so damn right. you’re extraordinarily talented. :)

YanaH:

oist adik!!!!!!! san ka? baket hindi ka maramdaman ng blogworld? hahahahaha

ssdd:

@vanvan & kitkat: wag mag-away…alang alang sa alaala ni master rapper kiko. mahal ko ang lahat ng bumibisita sa walang kwentang kutang ‘to. powerhugz! :D

~kitkat~:

@vanvan hehe kakompetensya din pla kita??? aw wlang dirty game ha…hahahhaha bsta ako lab ko c lio loco aalagaan ko sya…hndi ko sya kras mahal ko c lioloco lab ko yan mwah!!! honeykooch ko yan e ^_^

vanvan:

ngwaste ako ng golden time sa pagbabasa ng mga nakasulat dito..me lablayp ka na pala..wala ka man lang warning..bad lio loco loco..sabi ko na nga ba eh..i should be over you!!..aheks..pakiss nga..dami dami naman kasing ngkakras sau..kakaloka..

~kitkat~:

honeykooch mahilig k pla uminom??? wag ka masyado magiinum kc nakakalaki ng tyan tapos bka macra ung atay mo ^_^ paalala lng drink moderately kc lab kita mwah!! ayoko magkasakit ka dahil sa alak mwah!!! ingat k plagi ha mwah!

~kitkat~:

eneweis miss u mwah lab u!!! ingat k plagi ha ^_^ God Bless mmmmwwwaaahhhhhuuugggzzz!!!!

~kitkat~:

natutuliro knb saken hehehehe gsto ko yan pero mas gsto ko ung naiinlab kn saken hahahahhaha ang kapal ko noh dpa nmn tyu magkakilala personally..tsk panu nmn kita makikilala e wla nko sa makati pero ok lng kc maghahanap ako ng trabaho dyan dyan lng din sa makati hahahha bibili nko ng dyaryo bukas manila bulletin am shore madami dun hehehehhe kya bka magkasalabungan n ulet tyu sa daan un nga lng dko alam ikaw n pla un…hehhehehehe

~kitkat~:

ah e na layoff nko…ngayun ko lng nabsa ang powerhugz msg mo kya wla nko trabaho so sad..dko nga alam anu mararamdaman ko e nagaalala kc ako bka mauubos ko ung separation pay ko ng wla prin akong trabho hahahahha pero alam ko n madami akong pedeng patusin n trabaho kc mdami cla dyan hahahahahahha un lng e kung papatusin din nila ako dba ganun lng un hahhahaha

ssdd:

@~kitkat~: natutuliro naman daw ako sa’yo. di ko alam kung dito o sa taas na shoutbox ako magrereply. ahehehe. dayoff ko ngayon. kaya inuman galore. hehehe. recession na ba jan? tsk tsk. sana hindi ka naman matanggal. mahirap alang trabaho ngayon eh. eto ang powerhugs pang-goodluck charm! hehehe. powerhugz! :D

~kitkat~:

hahahahha gsto ko yan powerhugz mo yum!!! hahahahahaha kras mo pla c sara geronimo wweeee wla lng…
kmusta k nmn??? musta kn dyan sa work mo??? d2 samen e nagtatanggalan na e…tapos napanaginipan ko n nagsara na tapos ako lng daw ang hndi binayran tsk tsk tsk masakit un dba…buti nlng at panaginip lng lahat…uu nga pla mahilig kb sa computer games???

Leave a message ▼