Breathing The SSDD Mantra

chronicling the raves and rants of a narcissistic, angst-ridden bastard in orgiastic moans recluse as he drifts to the SSDD mantra... life can be boring, especially if you're bland to begin with. the world is round and it can make you a fool if you let it. stab the snooze. make a mark. crawl out of your TV celluloid and live a wicked life. because life's a bitch and you have to be a bitchier fuck-me-Freddy to live. viva la vida!

Wanted: (Im) Perfect Partner

February 15, 2009

Mabuti na lang at Single Awareness Day ngayon. Mas madaling maka-recover. Mas mabilis maiuuntog ang ulo sa kung saan mang maangas na pader.  Maski papano eh kagyat lang ang recuperation period.

Kahapon lang eh punumpuno ang kalye ng mga haliparot na hindi magkandaugaga sa pagcelebrate ng Balemtayms. Nariyang mag-akapan na parang mga naligaw na tarsier ng Bohol at napadpad sa mausok na trapik ng Maynila sa sobrang higpit ng pagkakakapit ng mga braso sa isa’t isa. Nariyang maghalikan sa gitna ng madla at walang pakialam kung magkalipatan na ng mga labing nanlilimahid sa laway sa tindi ng laplapan. Nariyang maglambutsingan habang nasa loob ng humaharurot na dyip, di bale na kung lahat na lang ng taong nakasakay eh obyus nang sila ang pinagpipiyestahan dahil di na makapag-antay sa motmot na pagdarausan ng mga kahalayan. Para sa mga hardcore exhibitionist, andiyan din ang libu-libong mga parokyano ng SOGO Hotel (o Victoria Court, kung mas sosyal ka) na mag-uubusan ng maiinit na halik, anasan, at yapos habang naka-video recording ang cellphone upang idagdag ang umaatikabong aksyon sa mga nagkalat nang sex scandal na ibu-bluetooth at di malao’y idi-delete din hindi dahil ayaw mong masabihan kang bastos at manyak kundi dahil ilang beses mo nang napanood at ilang beses mo nang napagsawaan ang pipitsuging 10-minute 3gp marathon.

Pasintabi sa mga mambabasang wala pa sa wastong gulang. Kung ikaw eh edad disesyete pababa, mangyari lamang pong pakitakpan ang kaliwang mata at ipagpatuloy ang pagbabasa sa kanang mata nang di gaanong magkasala sa pagkakapadpad sa walang kwentang kutang ‘to. Ba’t naman kasi naligaw ka pa ng landas sa nyetang blog site na ‘to? Wala akong kargo de konsensya sa mga taragis na magulang mo, okey?

Back to the show. Suma tutal, lahat ng mga OA, manyak, at malilibog eh pagala-gala sa isa sa mga commercialized Hallmark Holiday kahapon. Dumoble ang traffic sa España, mas dumami ang mga nilalang na kinaiinisan ko mula ulo hanggang sa kahuli-hulihang bulbol na pakulot pa lang ang tubo at aaminin ko sa inyong ayoko mang lumabas kahapon sa pinagkakakutahan ko rito sa España eh napilitan akong lumabas sa lungga ko’t makipagpatintero sa mga hinayupak na magsing-irog, mag-asawa, M2M, tomboy-to-gel, may kabit, at pati na rin mga hopeless romantic na desperadong makahanap ng date dahil kelangan kong maiparamdam sa KANIYA kung gaano siya kaimportante sakin.

Uunahan ko na kayo. Wala akong date kahapon dahil ayokong makipag-date sa mga babaeng nag-aabang ng matamis kong OO at kung meron man akong gustong makasama kahapon, yun eh walang iba kundi SIYA lang.  Kung hindi rin lang siya, mas pipiliin ko pang maburyong maghapon kakalaro ng nyetang Monster Hunter na hanggang ngayon eh hindi ko pa rin mapalevel up sa PSP. Natural, nangangarap na naman ako nang gising dahil obyus namang kahapon eh OT ule SIYA.  

At ano naman ang ikinapadpad ko sa nakakasulasok na amoy pag-ibig ng lansangan kahapon kung hindi ko pala SIYA ka-date, tanong niyo siguro. Syempre A for ey-fort na naman ako sa pagpaparamdam sa KANIYA maski na alam kong simula’t sapol eh tagilid na ang standing ko.Nagpunta ako sa SM Manila para maghanap ng chick na game makipag-isang gabing tayuan pwedeng ibigay sa KANIYA sa lecheng Araw ng mga Pusong Sawi. Palasak na ang mga roses, chocolates, at stuffed toys sa mga kalimitang inireregalo sa ganitong mga araw ng pagkakaholdap sa pera mo alang-alang sa taong minamahal. At dahil malapit na nga siyang lumuwas ng probinsiya, minabuti kong halughugin ang Blue Magic para maski papano eh maalala NIYA ko sa tuwing matutulog SIYA maski na malayo na ‘ko sa KANIYA. Mali ang sentence construction. Ang dating eh mukang ako ang hinahabol. Baguhin natin. Maski na malayo na SIYA sakin. Ayun. Sakto.

After ten thousand years ng pakikipagtaguan sa puke ng inang Blue Magic na hindi ko alam kung ba’t hindi ko mahanap-hanap maski na minsan na naming napuntahan yun dati (umiral na naman ang pagiging boplaks ko sa sense of direction at muli, hindi na naman ako nagtanong sa mga adeek na guard ng mall maski na tumagaktak na ang pawis ko kaiikot sa taragis na higanteng tiyangge ng Maynila), willing akong nagpaholdap ng tumataginting na isang libong piso kapalit ng isang kulay brown na Teddy Bear na may yakap na pusong kulay pula. Mabilisang digression: Sana maintindihan mong may lahing Intsik ako at ang pagkawala nga lang ng isangdaan eh malaking bagay na sakin; isanglibo pa kaya?

Pero hindi ako nagrereklamo. Maski na mamulubi ako kung para rin sa KANIYA, okey lang na mamalimos ako’t magpunas ng paa ng mga pasaherong nakasakay sa mga dyip sa kahabaan ng Taft Avenue. ‘Yung teddy bear na binili ko, maski na medyo may kamahalan eh pinabalot ko pa rin dahil parang may kung anong affinity siya sakin. Yung pusong hawak niya, akmang akma ‘yun sa puso kong patuloy na umaasang matututunan din NIYA kong mahalin. Yung fluffy Teddy Bear (ampotah! pati adjective ko nagmumuka nang jokeness sa kakornihan!), naisip kong representasyon siya ng sarili kong patuloy na pinanghahawakan ang pag-asang balang araw, magiging KAMI rin.

Balang araw na sa mismong gabi ring ‘yun eh tuluyan nang nawala. Binalahura ng tadhanang maddapakingshet. Pinawalang-bisa ang kung ano mang pag-asang pinanghawakan ko nang napakatagal. Sa puntong ito, hayaan niyong  ipamalita ko sa inyong kagabi rin, sa mismong Araw ng Pakingshet na Puso ng Saging, binasted na NIYA ‘ko. Kelanman eh hindi na magiging kami dahil pinutol na NIYA ang kung ano mang ugnayan naming lampas pa sa pagkakaibigan. Bigo. Failed. Basted.

Hayaan niyong ilahad ko ang napakasaklap na pangyayari: Matapos mabili ang Blue Magic Teddy Bear, isinilid ko ang love letter kong tatlong pahina ang haba sa loob ng paper bag na pinaglagyan ng stuffed toy at dumiretso na ko sa kanila para ibigay ‘yun. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napaaga pala SIYA ng uwi at sa madaling salita, nagkausap kami nang mismong gabi ring ‘yun. Wala na ‘kong natitira pang oras. Dalawang linggo mula ngayon, uuwi na SIYA, hindi na kami magkikita pa. Kaya naman sinunod ko ang payo ni Pareng Gerald at dinaan ko na sa mabilisang diplomasya.

Tinanong ko kung saan ba ‘ko nakalugar sa KANIYA ngayon, kung ano ba ang standing ko sa puso NIYA. Tumingin SIYA sakin, ‘yung titig na sa mga oras na ‘yun eh nakapagpalambot sakin kung isa man akong pototoy, at sinabing hanggang pagkakaibigan lang daw ang kaya NIYAng ibigay. Ouch to the nth level! Walang itulak kabigin. Hindi ako nagpahalatang sa mga oras na yun eh nagbabalinguyngoy na ang puso ko at pinilit ko pa ring ngumiti’t maging kalmado. Tinanong ko kung bakit, kung may ayaw ba SIYA sakin, o kung may napupusuan ba SIYAng iba. Basta raw. Hindi talaga pwede. Dahil kaibigan lang talaga ang turing NIYA sakin. Period. No erase.

Please lang. Don’t throw in your pathetic sympathies and your I-feel-sorry-for-you shitty remarks. Hindi ko kelangan yang mga ‘yan at wala rin ‘yang  maitutulong sakin. Makakapag-move on din ako. Mali pala. Moving forward pala ang pauso ni Karylle ngayon. Ang kelangan ko lang siguro ngayon eh time and space. Oo, may pagka-showbiz din ang narsissistic, angst-ridden bastard na may-ari ng walang kwentang kutang ‘to.

Kung minsan naiisip ko, eto na siguro yung bawi sakin ng karma. Eto na siguro yung paghihigante ng hinayupak na tadhana sakin sa mga panahong ako naman ang umayaw, the past times na ako naman ang nagpakipot at nagpahabol. Yung mga kagaguhan ko dating makikipagrelasyon ako tapos pag nagsawa eh bigla na lang akong manlalamig at kakalas. Tama siguro ‘yung sabi nilang dalawang beses na mas matindi ang balik sa’yo ng karma. Tsk tsk tsk!

Kung meron man akong natutunan sa masaklap na kabanatang ito ng aking naunsiyaming pag-ibig, siguro eto ‘yung pagiging mature ko. Hindi ko alam pero parang sa mga nangyari, mas natutunan kong magpaka-responsable. Tingin ko hindi na ko bata. Tingin ko nga kaya ko na talagang magdala ng totoong mature na relationship. Yung tipong hindi na makikipagtaguan sa current fling pakner kapagka nakakita ng mas hot na chick. Yung tipong hindi na manliliit ang mga betlogs kapagka andiyan na yung problema sa relasyon niyo. Yung tipong thinking for the future na, kasama na diyan ang kasal, bahay-bahayan at makukulit na tsikiting patrol. Eto na nga siguro yun.

Buntung-hininga. Buntung-hininga times two.

Itaga niyo ‘to sa mga pekpek at betlogs niyo bato, ito na ang huling buntung-hininga ko dahil ito na ang huling akda tungkol sa KANIYA at ang pagkatuliro ko sa maddapakingshet na pag-ibig na ‘to. Nirerespeto ko ang desisyon NIYA at kung hanggang magkaibigan lang talaga ang kaya NIYAng ibigay sakin, tatanggapin ko ‘yun nang bonggang bongga maski masakit. Ba’t ko pa ba naman ipagduduldulan ang sarili ko sa taong simula’t sapol eh walang-wala na talagang pupwedeng maibigay sakin bukod sa pagkakaibigan? Kung minsan, okey lang magpakatanga dahil mahal mo ang isang tao. Pero kalabisan na siguro ang masiraan pa ng bait nang sobra-sobra maski na alam mo nang wala nang kahihinatnan ang pagiging siraulo mo para sa isang tao. Sa mga pagkakataong ‘yun, nararapat na sigurong iuntog mo ang ulo mo sa pader para matauhan ka na.

Kaya nga sa puntong ito, hayaan niyong ipamalita ko sa lahat na nahimasmasan na ko. Wala na ang impluwensiya ng alak taragis na pag-ibig. Panahon na siguro para ako naman ang pagkatuliruan ng mga chick na nag-aabang sa matamis kong OO. Eto na siguro ang tamang oras para hayaan ko naman ang ibang pumitas sa poging-poging adam’s apol ko. Game. Bukas na ang pintuan sa mga gustong mag-apply. Minimum requirement: Chick na mamahalin ako bilang ako, no strings attached.

Posted by ssdd at 6:37 pm | permalink

Previous Comments

lam mo yan, super effort aqng tapusin yung entry na to thinking na maganda yung knahinatnan ng A++++ effort mo…Ü sobrang nikilig aq sa effort mo. super kakaiba talaga yung nililigawan mo. cguro may ibang dahilan kung baket nia nigawa un. icipn mo na lang everything happens for a reason.. painom ka naman (filing close..Ü)… lam mo yan, basta sama mo na q sa list ng mga nag iintay ng oo mo ha.. update mo q pag turn q na, heheheh.. cge taking care..

Posted by kuting at February 16, 2009, 1:05 pm

sayang dahil di ako pumasa sa minimum requirement mo. kaya kitang mahalin pero I cannot guarantee you na chick nga ako…hehehe (spell m2m!)
heniways, buti ka pa nga at siya na mismo ang nagtuldok sa lecheng pag-ibig na iyan habang maaga pa. eh, ako nakikiramdamdam pa rin sa bf ko kung kelan niya sasabihin sa aking niloloko lng kita at di na kita mahal. gusto ko na rin magmove on (kahit masakit sa pekiramdam) pero ayoko manggaling sa kin ang initiative na tapusin ang lahat.
PS: sana makita rin kita sa hellivator ng hitech na kuta natin.

Posted by sikipsikipan at February 16, 2009, 2:05 pm

Taena…
curious tuloy ako kung anung nararamdaman mo sa ngayun.. balentayms na balentayms, balentong ang lumagapak sa bebi fays mo..

pero ayus alng yan!

nagmamahal ka di ba?
maging masaya ka nalang para sa KANYA kase masaya syang SINGLE muna at masaya syang FRIEDN ka nya.. di ba?

ganun naman yun!

at talagang gumawa ka ng isang pagsusuri sa mga nagkalat na haliparot at papampam sa mundo ahhh… taena.. baka nman nanibago ka lang sa araw na yan! baka por que balentayms eh tsaka mo lang napuna… dati na yan oiiii…

nun nun pa nagkalat na sila..

dumaan lang..di makatiis na di mag-iwan ng puna dahil nakibasa..

ktakits

Posted by koSA.Pogi at February 16, 2009, 3:51 pm

Don’t throw in your pathetic sympathies and your I-feel-sorry-for-you shitty remarks pala ha!

Parekoy, im sorry to hear that. I really symphatize with you.haha

sayang 1 thou..whew

anyway,nagawa ko na ang sumpa ng tag mo.leche.

Posted by flamindevil at February 16, 2009, 6:17 pm

oh, i don’t feel sorry for u lio…i feel happy..ahahaha..masokista..

hmmm…bago ang aking mga usual advices eh, gusto kitang icongratulate dahil at least nabitawan mo na iyong question na noon pa man ay hinahanapan na natin ng kasagutan..ngayon eh hindi ka na nangangapa sa purgatory..

basta, steady ka lang parekoy..madami pa ang aking kalahi dito sa world..

ahahahaha…

Posted by vanvan at February 16, 2009, 8:28 pm

you’ll get by. peace na tayo ha. wala yung isyu sa tag ha. peace na tayo. kahit payat ka, alam ko may tinatago kang taba ;)

hmmm kidding aside, matatagpuan ka rin ng mailap na pag-ibig. at pagdating ng tagsibol, titingalain mo ang mga sanga.

*hugs*

*red horse*

Posted by tinay at February 16, 2009, 10:13 pm

@kuting: haha. lam mo yun miss meowie taylor, todo todong bonggang bongga na nga ey-fort ko pero ala pa rin talaga. ewan. siguro talagang platonic love lang ang kaya NIYAng ibigay sakin. at nirerespeto ko un kung ganun nga talga. siguro sabi ni papa god, dami nang nahuhumaling sakin kaya di na lang niya ibibigay sakin si SIYA. lolz! jokeness. sa sabado, magpapainom ako. punta ka españa. dala kang pulutan ha. bangenge to da max ang drama ko pag nagkataon. hehehe.
at natawa naman talaga ko run sa pag-iintay sa turn mo sa listahan. hahaha. seryoso ka ba? cge cge. update kita kapagka turn mo na. taking care. :D

Posted by ssdd at February 17, 2009, 5:43 am

@sikipsikipan: hulaan ko. isa kang nilalang na idinawit ni miss meowie taylor sa pagkaligaw sa walang kwentang kutang to. lolz!
wahehehe. spell m2m? uhm…s-i-k-i-p-s-i-k-i-p-a-n! hahaha!
pwede ka pa ring pumasa siguro. magpalagay ka lang ng matris, okei na sakin yun. xempre gusto ko, magkaanak naman tayo ng kasing cute ko di ba? hahaha.
eto usapang lalake parekoi. hehehe. kung nararamdaman mong niloloko ka na niya, bat ka nag-aantay na siya pa ang kumalas sayo? di ba mas masakit yun kesa naman magtanga-tangahan kang okey pa rin kayo at walang problema but the friggin' problem's already being shoved up your ass? no pun intended. lolz!
marami ka pang makikitang m2m diyan. hehe. ibaling mo ang iyong paningin sa paligid mo. naks! at ako pa talaga ang naging dr. love. wehehehe.
haha! kapagka nakasabayan mo sa hellivator ang nakajacket na mejo chinito na laging nakaismid, salubong ang kilay at nakatingin sa kawalan, malamang sa malamang, ako na un. lolz! slamat sa pagdaan. :D

Posted by ssdd at February 17, 2009, 5:49 am

@kosa: taena. balentong nga ang balemtayms ko. maddapakingshet! try mong bunutin isa-isa ang tutsang sa ilong mo, tas sundan mo ng pagbunot ng isa-isang hibla ng bulbol mo, yun. gawin mong times 10 yun, yun ang nararamdaman ko ngayon. lolz!
un na lang pakonswelo de bobo ko. na enjoy siyang SINGLE xa at hindi pa (?) SIYA nakakahanap ng lalakeng mas magaling sakin. lolz! jokeness. baka mabasa NIYA ule to. lagot ako. oo, napapagawi rin SIYA sa walang kwentang kuta kung minsan kaya kelangang mag-ingat sa mga binibitawang salita. hindi ko rin alam nung una, pero ganun nga. hahaha.
koreksyon. hindi ako gumawa ng pagsusuri. nais ko lamang ilarawan ang taun-taong nangyayari sa mga ganitong pagkakataon. alam kong ang coitus non-stoppus ay kasing normal ng pagtubo ng makulet mong kulot na bulbol pero mas tumitindi ang pag-aalab sa mga gantong balemtayms celebration. yun na.
at may gana ka pang magcomment ngayon samantalang may utang ka pa saking tag post. taragis. hala, bilis! gawin na ang tag post at nang magkaalaman na. hehehe. salamat sa pagdaan parekoi! :D

Posted by ssdd at February 17, 2009, 5:55 am

@flamindevil: pakyu ka parekoi. pakyu ka! hahaha. sinabi na ngang hindi ko kelangan niyan. leche! ayun.
hoy typo error ka pa! sympathize po, hindi symphatize. lolz! umiral na naman pagka-OC ko sa grammar spelling ekek. pacenxa na, sakit ko talaga to. bwahahaha!
sige sige. pasadahan natin mamaya yan. :D

Posted by ssdd at February 17, 2009, 5:56 am

@vanvan: at masokista ka pala ha. gusto ko niyan. ngeyorrr! lolz!
okei. eto no offense meant ha. nabasa mo na sigurong adeek ako sa grammar at diction. dahil itinuturing na kitang friend, at dahil slight glitch lang naman to (feeling ko nga nagka-typo erro ka lang..ahahaha!), salamat sa iyong PIECES OF ADVICE. o yan ha. hindi nilalagyan ng S. hehehe. adeek talaga ko no? hehehe.
pero seryoso. dyosang may kakaibang alindog, salamat ng marami sa payo mo. tama ka nga. there's always some fish to catch in the big, blue sea. sana kasing-lufeeeet ng alindog mo. lolz! thanks thanks! :D

Posted by ssdd at February 17, 2009, 5:59 am

@tinay: behlat. ayaw mo pa kasing tanggalin yung name ko run. hindi pa rin kita bati. lolz! napakailap nga eh. naiinip na ko. pero kelangang mag-antay. salamat.

*kampay kampay* :)

Posted by ssdd at February 17, 2009, 6:00 am

hahahah, cge kahit ano na lang dadalin q.. diba ndi ka nman mapili sa pulutan..Ü gusto kitang makitang maiyak..Ü super na appreciate q yung effort mo. sa ken kz o sa kahit na cnong babae super importante talaga yung effort n pinapakita ng boylet. cguro kung kagaya mo magmahal yung jowa q malamng sa malamng i’ll be madly in love wid him. ndi pa q na i inlove at ndi q alam kung kelan darating yung time na un. ka team mate q c sikipsikipan. ipagpaumanhin mo na yung ginamit niang nik, sadyang mahalay lang xa talaga…Ü at mag iingat ka sa kanya kz bet nia ang mga chinito..Ü

Posted by kuting at February 17, 2009, 6:45 am

@kuting: lolz! oo. hindi nga ako mapili sa pulutan. basta may mangangata lang, okei na. ang mahalaga ung bonding moment. naks! atmay nalalaman pa talga kong bonding bonding moment. hehehe.
sama mo naman. bat mo ko gustong umiyak? hehe. akshuli, umiyak na ko dati. at dahil din sa KANIYA. pangalawang beses na ‘to, pag nagkataon. haay…
nyek! hindi ka pa naiinlab? anong tawag mo sa bi-ep mo ngayon, guinea pig? hahaha. tsk tsk! bad yan miss meowie taylor. at hindi ako naniniwalang di ka pa naiinlab.
gusto ko nga ang moniker ni sikipsikipan. obyus na mahalay nga xa. lolz! may warning talaga eh no? hindi naman ako maxadong chinito. mejo lang kasi di naman ako purong intsik. 1/4 lang. hehehe. :D

Posted by ssdd at February 17, 2009, 7:51 am

hahahaha, believe me ndi pa talaga… ndi xa guinea pig… ex q un. nagkabalikn kame.. 2nd bf q xa (at talagang nag story telling aq ng bongga). almost 3 mos lang kame b4. hiniwalayan q xa kz ndi q nararamdaman na importante q sa kanya. ndi rin xa mapag e4t na tao, at ni hindi nia rin yata alam ang ibig sabihn non. oo, gusto q xa.. pero ndi enuf un para sbihn q na mahal q xa or that i’m in love wid him. basta super kakaiba xang tao talaga, ewan q lang kung tao nga ba talaga xa.. ndi q alam kung cnusubukan nia ba q o sadyang ndi nia lang aq mahal at napilitan lang xa sa ken :( . so alam mo na ang storya ng buhay pag ibig q. kaya any moment na sabihin mo sa ken na turn q na… gora talaga q…Ü

Posted by kuting at February 17, 2009, 9:15 am

@kuting: hanep. para lang tayong nagwa-ym neto ah. installment ang reply. at naikwento mo pa talaga buhay pag-ibig mo. lolz!
ayun. kasaklap din naman pala ng iyong lab istori. gusto mo xa pero di ka inlab? hmmm…pls elaborate. hahaha. pero siryusli, kung ganun nga na nararamdaman mong hindi ka nia mahal, pareho lang pala kayo ni sikipsikipan. at ang sinabi ko sa kaniya eh pakicopy-paste na lang sa patlang na ‘to. _________________________________________.
hehehe. ang kupal talaga ng hinayupak na lab na ‘to no? kung sino ung mahal mo, hindi ka niya mahal. kung sino ung nagmamahal sayo, hindi mo naman mahal. nakngteteng! magpatayan na lang kaya tayo? lolz! naging psychotic dexter morgan na naman pala ko. hehe.
hahaha. sige sige. ikaw ay nasa waiting list number 247. kung bakit number 247 iyon ay dahil may kinalaman ito sa pinagkukutahan natin. lolz! taking care. :)

Posted by ssdd at February 17, 2009, 9:53 am

eto pala ang pinagpuputok ng butsi mo. tsk tsk! ganun talaga ang buhay..tsambahan lang. better luck next time daw.

minsan mas maigi pa talaga tong mga no stings attached relationship..ganyan din kasi ang hinahanap ko eh. haha!

Posted by gasti at February 17, 2009, 10:27 am

hahaha, kay tagal naman pala.. di bale, super patient namn aq eh..Ü baka kaw na c mr ryt q.. at kung magka ganon man sana namn buhay pa q non o kaya eh, kaya q pang makipagrelasyon ng bongga…Ü walang kasalanan ang love..Ü yung mga taong ginusto natin yung may sala..Ü ikaw gusto mo siya, ndi ka nia bet… aq, gusto q xa, pero di q masabi kung ano q sa kanya.. kumbaga floating ang status q sa kanya… ayoq pa xa hiwalayan.. gusto q kz mapkita sa kanya na gusto q xa ng bongga… kundi man xa tamaan ng sensitivity at napagod aq, tsaka na q mag gu gudbye sa kanya ng bongga.. at least alam q sa sarili q na i’ve done my part. sori naman kung parang ym na 2…Ü madaldal lang talaga q at maraming explanation..Ü

Posted by kuting at February 17, 2009, 10:28 am

…i hate u lio..at pinagkalat mo pa talaga rito sa page na nagtypo churva grammar wrongness ako..nakakahiya tuloy…bllleeeeehhhhh…galit ako sayo..

ahahaha..

bobita ako talaga noh..

oist, i can sense it, u crush me..u can be my number two….bwahahahahahahahahah…ayoko nga!!!tse..

o, tingnan mo lio, kadami dami nilang nghihintay sa yo..go na…pa hard to get ka pa..bruho!

Posted by vanvan at February 17, 2009, 8:08 pm

anak ng bibe talagang sa balentayms ka pa nabasted. dui bale, at elast ngayon alam mo na na walang patutunguhan ang umasa.
good luck nalang sa susunod na mapupusuan mo, ganyan talaga ang buhay, may mga babaeng ayaw sa gwapo, matalino, at hottie na gaya mo bro..
isipin mo nalang, baka di talaga sya para sa’yo.

Off topic: buti naman at di na under maintenance ang i.ph, ilang beses nako pabalik balik dito na ganun.

Posted by Basti at February 22, 2009, 12:01 pm

@kuting: at nagbabalik ang installment yam-em natin. lolz! taragis na downtime talaga. dami tuloi naghanap sakin nang bonggang bongga. kala nagpatiwakal na ko. hahaha!
oo. ganun talaga kahaba ang listahan. may mga makukulet kasi ang lahi na nagpalista ng sampung beses. hehehe.
lolz! at ako talaga ang napagdiskitahan mong pagsuspetsahang mr. ryt mo no? hehehe. pwede. malay natin di ba?
ah ganun ba? floating status. para ka palang barko. nakalutang. bat kasi ayaw ka pa niyang sisirin? hehehe. jokeness. baka mapadaan mtrcb. gudlak na lang sating mga problemado sa pag-ibig. pasasaan ba’t magkakarun din ng tuldok ang ating mga katanungan. hehehe. :D

Posted by ssdd at February 22, 2009, 7:52 pm

@gasti: oo, marami talaga akong kaangasan sa buhay at isa lang ‘to sa mga hinayupak na reklamo ko sa sansinukob.
naguguluhan ako sa’yo. akala ko ba sabi ni maldito may asawa ka na? bat naghahanap ka pa ng no strings attached? pls elaborate. lolz!

Posted by ssdd at February 22, 2009, 7:54 pm

@vanvan: ano ang pang-grade wan retarded slambuk motto in layp? the more you hate, the more you love. wahahaha!
wag ka nang magreklamo. kinorek ko rin si flamindevil sa kaniyang symphatize typo. o yan ha. pantay-pantay kayong lahat para sakin. wahehehe.
at may six sense ka pala ha. i see dead people. awoooooh!
kadami ka diyan. ilan ba? si kuting lang naman ang nabulag eh. pustahan tayo nakainom si miss meowie taylor habang tinitipa comment niya kaya niya nasabi yun. lolz!

Posted by ssdd at February 22, 2009, 7:59 pm

@basti: dahil sinabi mong matalino, guwapo, at hottie ako, sinasamba na kita. ahahaha! hindi ka nagkakamali sa tinuran mong yan. lolz!
honga eh. at least, natuldukan na ung pagbabakasakali ko. nahimasmasan na nga ko. marami pang isda riyan sa big, blue sea. kelangan ko lang ng mahaba at malaking….pamingwit. kala mo kung ano na ha. wahahaha!
off-topic: honga eh. taragis na i.ph server talaga. kaya nga ko semi-hiatus ng ilang araw. salamat sa pagbalik-balik parekoi. dahil loyal ka, sinasamba na talaga kita! lolz!

Posted by ssdd at February 22, 2009, 8:01 pm

ako po mag aapply hahahhahaha un lng pla requirement e kayang kaya ko higit pa ang ibibigay ko hahahahha pls ako nlng ang piliin mo??? mwah lab u!

Posted by ... at March 3, 2009, 5:25 pm

@anonymous: okey lang ba sa’yong pumila? pang-918 ka na kasi. wehehehe. tindi ng amats ko. at ano pa ang pwede mong ibigay na higit pa sa minimum requirement ko? hehehe. dahil jan, tanggapin mo ang mainit na powehugz mula kay sarah na ibinigay niya sakin na ibinibigay ko naman sau! powerhugz! :D

Posted by ssdd at March 4, 2009, 2:19 am

wow ha may mga nanliligaw na pala sayo may napili ka na ba saknila haha…wow ha yung mga sawi nung balentayns sayo mapapaltan din yan ng ligaya hahahah…grabe ha haba pala ng pila makuha lang ang sweeeet mong OO wow ha…lupet..add links na nga kita nahihirapaan ako punatahan ka eh hehe…

Posted by anakngpating at March 4, 2009, 4:14 pm

@anakngpating: wow ha. ala pa nga eh. binusisi ko pang maige ang resume nila. wahehehe. muka ngang eto na yung kapalit ng mapait kong balemtayms. wow ha. lupet na salamat sa pag-add ng links. at napa-wow ha talaga ako. hehehe. :D

Posted by ssdd at March 4, 2009, 6:19 pm

Add a comment








ain't this friggin' narcissistic, angst-ridden bastard cute?

anonymous.jpg

 

A lot of people tell me I’m special. Of course I freakin’ am! You don’t have to stress the obvious. That’s being redundant.

 

I’m a friggin’ yuppie in his early twenties but looks even younger than his age, sometimes mistaken for a scrawny 17-year-old virgin and as such, I have decided to become eternally twenty to be on the safe side. I am slaving the ephemeral call center whoring job as of the moment but one day, I will become a fuckin’ proud CPA topnotcher. Being a perfectionist who does not conform to stereotypes and anything commonplace, I abhor senseless, pointless discussions by nitwits but adore intellectual discourses from remarkable geniuses in the same league with the caliber of my neurons and synapses.

 


I like wearing black shirts even if black is not a color and I love drinking Red Horse booze with pineapple syrup or GSM Blue enhanced by acerbic Sprite when the night is hugged by penis-shrinking coldness in Baguio. I am left-handed and I like to draw but that does not mean I am dumb at Math. Along with English, Math was one of my favorite subjects in high school. I love to watch anything shocking, gross and bizarre; in fact, I find scenes of decapitated heads and messy, blood-soaked innards oddly engaging. I think I'm eclectic.

 


When my half-Chinese dad chickened out, I got robbed of my childhood phase real quick and was forced to live out the family man title. That was also the time that I bade goodbye to the princely way of living in Manila and said hello to the clusterfuck pauper proletariat life in the province. Being the smartass that I am, I excelled academically and graduated half-wishing I had a worthy adversary in the mold of Einstein or da Vinci to sharpen my not-fully-developed cranial muscles. But if you ask me of my biggest achievement so far, I would have to tell you that’s when I sent my sister to schooling and saw her taking her oath as a Certified Electronics and Communications Engineer. I chose to put my dreams in the back seat for her, you see.

 


When I was still in school, I thought my seatmates were drooling retards and I was an effin’ superior child unworthy to be kept inside such a fucked up pig pen. For chrissake, I deserve something far better than those freakin’ bozos! So if I could choose who I want to share the claustrophobic classroom with, I’d pick Neil Gaiman, Stephen King, JK Rowling, Jessica Zafra, Patricia Evangelista, Conrado de Quiroz, Bob Ong and Scott Garceau hands down. They’re authors, if you’re that stupid, by the way.

 

I do not possess the vapid handsomely looks of dumb celebrity stars (they only have the looks but they don’t have that thing in between the ears, anyway) but I am not ugly either. I think I’m cute and as in my penis, my looks could be thrown up there in the above-average file. I am narcissistic and unsurprisingly, I find satisfaction in looking at myself in mirrors. There’s one flaw in my nearly perfect personality though. I am horizontally-challenged and that actually makes me less handsome than I should be. People have been telling me that had I been given a mesomorph frame, I would surely qualify as a handsome dork. Fine, I’ll hit the gym once I find the time. But then again, I’ve always been busy.

 P1170442 copy.jpg 

 

I love writing and someday, when I’ve already reached the stars and danced under stardust sprinkles, I will write the Great Filipino Novel that will put the Philippines in the world literary map. In the meantime though, I content myself with polluting the Internet bandwidth with fuck-me-Freddy rants and unlimited R18 invectives.


I am a narcissistic, angst-ridden bastard in orgiastic moans recluse and this blog is my first attempt in realizing my idiosyncratic world domination plots. There are currently almost 6.7 billion suckers lurking out there contributing nothing to society but vomit-inducing stupidity. Most of these people are worthy to be guillotined to death for harking out such idiotic yadda yadda's.

 

If you believe in this horrendous truth, then join me in ridding the macrocosm of these useless, pathetic twits. If you're the twit, though, go find someone to savor your last fornication on earth and then prepare to be annihilated. The world will be a better place to live in without you, anyway.



This is my blog. You either love me or hate me. Adding me in your blog roll list is fine but don't expect that I will publish your effin' you're-going-to-hell comment. And yes, I don't do ex-links. That's being pathetic. The blogs in my  blog roll are those that I peruse regularly and normally, I don't tell these people I've added them in the list. If you find that offending or for whatever reason, you feel it is an invasion of your privacy rights, just let me know. I'll scrap your site in the list real quick. Otherwise, consider it a form of flattery.

 

ON SECOND THOUGHT, I THINK I AM NOW WILLING TO DO EX-LINKS. ALL THESE BLOGGERS WHO WILLINGLY PERUSED THIS GOOD-FOR-NOTHING BLOG MADE ME CHANGE MY MIND. SO YES, YOU CAN NOW COMMENT USING A "NICE POST! EX-LINK?" TEMPLATE. HAPPY?

 

Caution: Breathing the SSDD Mantra is my idiosyncrasy in print. If you can't take the heat in this ranting oven, close the tab and  go screw your next-door neighbor's wife, you pathetic little twit!

 

Don't say I didn't warn you...

1_300566795l. jpg

 

douche bag diatribe unlmtd.

go friggin' plagiarize others' works instead

been harry pottered since the philosopher's and when the saga died down in deathly hallows, i got pottered just the same...sigh!

one effin' proof why pinoys are waaay more superior than their occidental brethrens in the history of friggin' humanity

shaving off the angst-ridden bastardness in me (play with my hamster using your mouse pointer)

Subscribe

Technorati
Bloglines

three-liner shits

yes, i want a piece of you! got a problem with that?

hair loss treatment:

nice website..

Pacquiao vs Mayweather:

Mayweather vs Pacquiao Fight, News and Updates

pacman:

nice blog site. ok na ok.
anyway share ko lang po. you can watch manny pacquiao video collection here:
http://boxing-tube.tk
or here:
http://mannypacquiao.tk

RJR BEAUTY INDUSTRY:

We are manufacturers and exporters of prime
Quality Surgical, Dental, Beauty care instruments & Hospital
Equipment and all sorts of Scissors.
We are producing these instruments from best quality Japanese
Stainless steel under Germany technology

M/S RJR BEAUTY INDUSTRY

60 C, Small Industrial Estate
Sialkot- 51310, Pakistan.

Tel:+ 8103467
Cell: 92-300-6179667
92-334-8071045
Fax: 92-52-3550398
Web: www.rjr-beauty.com
E-mail: info@rjr-beauty.com
rjrbeauty@hotmail.com

Moyra Parker:

Dear,s

“RJR Beauty Ind” is an established company involved in
Manufacturing and Exporting of high quality “Manicure/Pedicure,
Beauty care & Beauty Salons instruments”. We are supplying
following products worldwide Barber Scissor Edge T.C Titanium
Scissors Nail & Cuticle Scissors Nail & Cuticle Nippers Nail &
Cuticle Pushers Nail Cutters Acrylic Nail Tip Cutters
Manicure/Pedicure Kits Tweezers Kindly visit for more products
information
Thank you,

Moyra Parker
General Manager

Web: www.rjr-beauty.com
E-mail: info@rjr-beauty.com
rjrbeauty@hotmail.com

mai:

iloveyou. fuck me

mai:

hi pasukan mo nga ko.

toni:

gusto namin pmnta ng dasol (tambobong beach) meron bang place dun to stay overnight or any contact?

ssdd:

Damn, thank you for such strong flattery madam! You may want to stalk me still at thessddboy.com

cat:

You are so damn right. you’re extraordinarily talented. :)

YanaH:

oist adik!!!!!!! san ka? baket hindi ka maramdaman ng blogworld? hahahahaha

ssdd:

@vanvan & kitkat: wag mag-away…alang alang sa alaala ni master rapper kiko. mahal ko ang lahat ng bumibisita sa walang kwentang kutang ‘to. powerhugz! :D

~kitkat~:

@vanvan hehe kakompetensya din pla kita??? aw wlang dirty game ha…hahahhaha bsta ako lab ko c lio loco aalagaan ko sya…hndi ko sya kras mahal ko c lioloco lab ko yan mwah!!! honeykooch ko yan e ^_^

vanvan:

ngwaste ako ng golden time sa pagbabasa ng mga nakasulat dito..me lablayp ka na pala..wala ka man lang warning..bad lio loco loco..sabi ko na nga ba eh..i should be over you!!..aheks..pakiss nga..dami dami naman kasing ngkakras sau..kakaloka..

~kitkat~:

honeykooch mahilig k pla uminom??? wag ka masyado magiinum kc nakakalaki ng tyan tapos bka macra ung atay mo ^_^ paalala lng drink moderately kc lab kita mwah!! ayoko magkasakit ka dahil sa alak mwah!!! ingat k plagi ha mwah!

~kitkat~:

eneweis miss u mwah lab u!!! ingat k plagi ha ^_^ God Bless mmmmwwwaaahhhhhuuugggzzz!!!!

~kitkat~:

natutuliro knb saken hehehehe gsto ko yan pero mas gsto ko ung naiinlab kn saken hahahahhaha ang kapal ko noh dpa nmn tyu magkakilala personally..tsk panu nmn kita makikilala e wla nko sa makati pero ok lng kc maghahanap ako ng trabaho dyan dyan lng din sa makati hahahha bibili nko ng dyaryo bukas manila bulletin am shore madami dun hehehehhe kya bka magkasalabungan n ulet tyu sa daan un nga lng dko alam ikaw n pla un…hehhehehehe

~kitkat~:

ah e na layoff nko…ngayun ko lng nabsa ang powerhugz msg mo kya wla nko trabaho so sad..dko nga alam anu mararamdaman ko e nagaalala kc ako bka mauubos ko ung separation pay ko ng wla prin akong trabho hahahahha pero alam ko n madami akong pedeng patusin n trabaho kc mdami cla dyan hahahahahahha un lng e kung papatusin din nila ako dba ganun lng un hahhahaha

ssdd:

@~kitkat~: natutuliro naman daw ako sa’yo. di ko alam kung dito o sa taas na shoutbox ako magrereply. ahehehe. dayoff ko ngayon. kaya inuman galore. hehehe. recession na ba jan? tsk tsk. sana hindi ka naman matanggal. mahirap alang trabaho ngayon eh. eto ang powerhugs pang-goodluck charm! hehehe. powerhugz! :D

~kitkat~:

hahahahha gsto ko yan powerhugz mo yum!!! hahahahahaha kras mo pla c sara geronimo wweeee wla lng…
kmusta k nmn??? musta kn dyan sa work mo??? d2 samen e nagtatanggalan na e…tapos napanaginipan ko n nagsara na tapos ako lng daw ang hndi binayran tsk tsk tsk masakit un dba…buti nlng at panaginip lng lahat…uu nga pla mahilig kb sa computer games???

Leave a message ▼