Home » Post Item » 25 Desultorily Picked (Fucks) Facts And/Or Pseudo-Truths About the Narcissistic, Angst-ridden Basta...
25 Desultorily Picked (Fucks) Facts And/Or Pseudo-Truths About the Narcissistic, Angst-ridden Bastard in Orgiastic Moans Recluse
February 12, 2009 Tingnan natin kung hindi magkandabali-balinguyngoy ang mga taragis na ilong niyo ngayon sa pagbabasa ng pamagat ng blog post na ‘to. Parusa ‘yan sa mga siraulong ayaw na ‘kong magsulat sa Ingles, sa wikang mas hiyang ako noon pa, sa lenggwaheng ang sarap makipaglandian gamit ang talentadong dila ko, sa titik kung saan una akong nahumaling at natuliro nang bonggang bongga. Nosebleed.
Hindi dapat ito ang topic ng post ko ngayon pero leche! Etong gagong siraulong maddapakingshet na Malditong ‘to eh sinali pa ko sa mga katarantaduhang pinaggagawa niya sa pook-sapot niya. Anak ng pating talaga, oo! Pahirap talaga sa buhay ‘tong si Maldito eh. Parang napakalaking jebs na pahirapan mong ilalabas. Nananahimik ako rito tas bigla-bigla akong itatag? Tsk tsk tsk! At humirit pa ‘tong si VanVan na mas lalo pa kong pinahirapan dahil ginawa niyang bente singko ang dapat sana’y sampung taena ni Maldito Gavin. VanVan, dahil babae ka at mukang nag-uumapaw ang alindog mo sa main pic ng bulagspot mo (hehehe), abswelto ka sa pagngingitngit ko ngayon. Kay Maldito Gavin lang talaga papunta ang mga angas projectile ko ngayon sa puke ng inang tag na ‘to. Lolz!
Di bale sana kung si Kua Badoodz ang nag-tag sakin. Kung sakaling ang blog aydol ko ngang si Mythical Badoodles ang nagsabi sana saking “…at ikaw Lio Loco, ang younger version kong malufeet at super nosebleed mag-Ingles, ang younger version kong pareho ko ng disposisyon sa buhay, tinatag kita sa 10 Random Ekek na ‘to,” malamang sa malamang, magpapakipot muna siguro ako ng mga sampung segundo. Marahil pagkatapos ng dalawa’t kalahating beses na pag-iisip, tsaka naman ako ora-oradang haharap ng kompyuter para itipa ang 25 10 Random Facts Ekek.
Hindi ako sumasagot sa mga ganitong klaseng meme ekek sa tanang buhay ko. Namumutiktik ang Friendster Bulletin ko ng mga ganitong katarantaduhan at wala akong panahon para basahin sila, higit lalong sagutan at ipamudmod pa sa ibang walang magawa sa buhay kundi gumawa nang gumawa ng mga ganitong kaekekan. Sayang ang effort sa pagtipa ng letra. Sayang pa ang bandwidth ng net koneks na ginamit para sa alang kakwenta-kwentang meme ekek tulad nito. Pero alang-alang sa katahimikan ng sangkablogosperyahan, at dahil nahihiya rin naman daw ako sa A for ey-ffort ng mga taragis na taong nag-tag sakin (maski na hindi ko sila kilala nang personal at dito `sa mundong malawak na sapot ko lang sila nakadaupang palad), eto na ang dalawampu’t limang walang kakwenta-kwentang paks you tungkol sa narsisistikong’t maangas na nyetang nagkukuta sa pook sapot na to.
Tulad ng naunang tag ni Kuya Badoodz na tinag si Maldito na nyemes namang tinag ako nang bonggang bongga, isa sa sampung random facts ang kwentong barbero. Ngayon, dahil bente-singko ang pinapagawa sakin ni VanVan, and applying the principle of ratio and proportion (at pinairal ko pa talaga ang pagkasinto-sinto ko sa Math), dalawa’t kalahati sa mga babanggitin ko ang jokeness bola-bola asado lang. Oo, dalawa’t kalahati. Dalawa ang in-your-face hoax at ‘yung isa rito, kalahating totoo, kalahatang bluff lang. Magkaalaman na. ‘Yung makakahula sa dalawa’t kalahating mali, pinahihintulutan ko nang kagatin ang pototoy ko adam’s apol ko.
1. Allergic ako sa tao. Hindi ako mahilig makipagharutan sa mga taong ang bisyo sa buhay eh makipag EB at makipagsexmate textmate nang bonggang bongga. Wala akong account sa Multiply, Plurk, Twitter, Facebook, at kung anu-ano pang social site ekek at ang kaisa-isang Friendster account ko na pinilit lang ipagawa sakin ng utol ko eh minsan sa isang dekada ko lang nabibisita. I value my anonymity a lot.
2. Mahilig akong magsuot ng jacket pandagdag volume maski na wala na ko sa Baguio. Pakshet! Namiss ko tuloy bigla ang Baguio.
3. Half-chinese ang aking runaway daddy at bukod sa taragis na tatay responsibility, ipinamana niya sakin ang kakuriputan ng mga lahing Intsik. Noon, bigay sa luho kaming mag-utol dahil medyo may kaya ang sperm cell donor ko. Pero nung taym na nagpasya ang mga magulang naming magsulian na lang ng kandila na akala eh parang bahay-bahayan lang ang lahat, naranasan kong pumasok sa iskul nang kumakalam ang sikmura at panay pacute at pabibo lang sa teachers ang baon. Eto yung mga taym na iniwan na namin ang Maynila at sa probinsiya na nagsimulang batakin ang mga hamon ng buhay. Naalala ko nga pala. Hindi ko pa tapos ‘yung Dear Charo letter kong ipapadala ko sa Magpakailanman.
4. Isa akong latebloomer at hanggang ngayon eh muka pa rin akong totoy. Ganiyan talaga ang beybi peys. Lolz!
5. Kaliwete ako, but not in the strictest sense of the word dahil istik tu wan pa rin ako. Lolz! Mahilig akong magdurowing, magsulat, magpinta, mag-sketch, kumatha ng tula at ang sabi ng mga teacher kong binola-bola ko nang di-iilang beses na hawig nila si Armida Seguion-Reyna para bigyan ako ng mataas na marka, isa raw akong gifted child. In tagalog, tarantadong talentadong bata ako.
6. Muntik na kong maging magna cum laude nung college pero dahil nawili ako sa ekstra kurikular aktibidades, paglalakwatsa at pambababae pag-toma nang bonggang bongga, nakulangan ako ng .76 sa general average ko.
7. Kamuntik na kong mamatay nung bata pa ‘ko dahil nabutas ang noo ko ng tubo ng gripo sa sobrang kalikutan ko. Syemre naman, learning stage kaya ‘yun. Eh di kung saan-saan ako nagsususuot.
8. Lagi akong naka-company ID maski na ala na ‘ko sa pinagkakaputahan ko sa Makati dahil takot akong baka mawala na naman, sumabit sa dyip, o madukot ng mga hinayupak na magnanakaw sa kahabaan ng Taft ang ID ko. Taragis. Ang mahal kaya ng pagpapagawa ng panibagong ID. Papagawa ka pa ng affidavit of loss. Imadyin da konsumeyshun!
9. Madalas akong late sa iskul nung hayskul at college at ngayong nagpapakaputa na ‘ko sa Makati, hindi ko pa rin matanggal-tanggal ang sakit na ‘to. Noon, wala akong pakialam kung dumating man ako sa klase nang 30 minutes late at kebs ko rin kung kanina pa umaatangal ang teacher namin kakadakdak sa harap ng klase. Basta na lang akong umuupo sa upuan ko nang walang pasintabi at parang walang nangyari. Katwiran ko kasi, maski na hindi ko napakinggan ang lektyur niyang ni-rephrase lang naman ang laman ng libro, kaya ko pa ring mag-self study. Ngayon, wala pa rin akong pakialam maski late ako ng pasok sa putahan kuta namin sa Makati dahil bangenge to the max ako kagabi. Ahhh…binabawi ko na. Nanghihinayang pala ‘ko dahil malaki ang kaltas ng mga pagkalate ko sa trabaho. Araguy!
10. OC ako sa grammar at diction. Wala akong pakialam kung kaibigan pa kita. Kapagka ikaw eh nagkamali sa pagbigkas sa English o mali-mali ang grammar mo, ikokorek at ikokorek kita sa mismong oras at mismong lugar na nagkamali ka. Kaya kung ako sa’yo, magpakatotoo ka. Kung hindi mo kayang mag-Ingles, wag na at baka mapasagot ka pa ng “My pamili…my pamili’s role for me is very imfortant ‘coz there was…they was…they’re was the one…Hahaha! Ahm…Sorry guyz! This is really my perst pageant ever because I’m only 17 yeards old and…ahahaha!” Naknampucha! Sisihin ba ang edad?
11. Ayoko sa mga taong stereotype at higi’t lalong ayokong ikinakahon ako sa mga stereotypical na pamamaraan. Wag kang magpapansin dahil unang una, ako ang papansin sa’yo pag natipuhan kita. Swerte mo kapagka natuwa ako sa’yo. Ibig sabihin nun, gusto ko ang sarili mong istilo at ipinapalagay kong magka-wavelength tayo. Kung hindi man tayo parehong siraulo, malamang sa malamang, kaya ako natutuwa sa’yo eh dahil merong isang bagay sa’yo na tulad ng sa ‘kin. Naintindihan mo ba? Kung hindi, hindi tayo bati dahil hindi tayo magka-wavelength. Behlat!
12. Hindi ako marunong magbasketbol. Sa payat ko ba namang ‘to, makikipag-umpugan pa ko sa mga maskels ng mga PBA basketbolistang parang bato sa laki ng mga katawan?
13. Parehong may nunal ako sa magkabilang sentido. Patunay na isa akong gifted child at nahahanay sa pangkat nina Albert Einstein, Leo Da Vinci, Bill Gates, Vincent Van Gogh, at Sylvia Plath. Walang kokontra. Twentipayb ekek ko ‘to. Gumawa ka ng iyo.
14. Mahilig akong magbasa. Harry Potter. The Lord of the Rings. Stephen King. Neil Gaiman. Jessica Zafra. Bob Ong. Roald Dahl. The Catcher in the Rye. Philippine Star. Philippine Daily Inquirer. Conrado de Quiros. Patricia Evangelista. Porn Magazine. Maski ano babasahin ko, wag lang ang putanginang Twilight.
15. Mahilig akong sumakay sa harapan ng dyip, sa tabi ng mamang drayber. Ayokong nakikipagsiksikan ako sa pangsampuang upuang (walo’t kalahati kapagka nakasakayan mo si Dabiana) ginagawang para sa labindalawang katao ng nyetang kunduktor, pasigaw na sinasabing magkabilaan pa raw eh obyus namang kalahating pwet mo na lang ang nakasayad sa lecheng upuan. Sa harap, bukod sa komportable ka na, perpek pwesto pa para mag-spot ng pekpek chick na dumadaaan.
16. Meron akong bruxism o yung tinatawag nilang grinding teeth disorder. Hindi ko alam kung ba’t hanggang ngayon eh buo pa rin ang ipin ko pero ayon sa mga kakilala ko, madalas daw eh para akong ngumangata ng isang supot ng chichacorn kapagka himbing na himbing sa pagtulog. Ayon sa mga eksperto, isa raw itong manifestation ng stress, nervous tension o anger. Na hindi ko naman itinatanggi. Marami akong reklamo sa buhay at punumpuno ako ng angas sa katawan. Kung kani-kanino? Hindi ko na iisa-isahin. Nyeta! Kaw ba naman ang bumatak sa tatay responsibilities nang napakaaga, ewan ko lang kung hindi ka maenrol sa anger management class.
17. Meron akong one-year-old, cute na cute na anak sa Baguio na hindi ko na madalas mabisita dahil andito ako sa Maynila pero bibisitahin ko pa rin sa katapusan ng buwang ito. Hindi na kami ng mama niya (irreconcilable differences…naks! may nalalaman pa talaga ‘kong irrecon-reconcilable differences. lolz!) pero sinusuportahan ko ang bata. Namimiss na kita Baby Leonard ko. Uwi si Papa diyan sa katapusan.
18. Lagi akong naka-imbisibol istatus sa YM dahil ayokong naiistorbo ako sa ginagawa ko pero gusto ko pa ring makita kung sino ang online.
19.Mahilig ako sa mani cashew nuts. Ang tatawa, manyak!
20. Mid-term goal ko ang makaalis ng bansa at yumaman nang bonggang bongga bago ako mag-trenta. Sa ngayon, may humigit-kumulang isang dekada pa ko para tuparin yun. Kaya pa.
21. Namamangha ako kay Dexter Morgan at dahil sa sobrang pagka-aydol ko sa kaniya, minsan naiisip ko ring maging serial killer na papatay sa mga hinayupak na nilalang na hindi na dapat sinisikatan ng araw sa mundong ibabaw. Pramis, kung mabubuhay man ako ule sa after-life (yun eh kung meron ngang after-life), mabubuhay ako sa katauhan ni Dexter Morgan. Siyang siya ako. Older version lang.
22. Hindi ako masyadong mahilig sa music pero lumaki akong nakikipagbasagan ng gitara (maski na hindi ako marunong maggitara) sa himig ng Huling El Bimbo at ng iba pang musika ng Eraserheads. Peyborit song ko sa mga awitin nila ‘yung Hard to Believe. I wanted life to be this way, just a little bit of love could mean so much. O please don’t take it all away, but with you heaven is still close enough to touch. Oha oha! Hehehe.
23. Isa akong nyetang perpeksyunista dahil ayon kay Madam Auring, likas iyon sa mga Virgo. Kung ano ang kinalaman ng pagka-Virgo ko sa ugali ko eh kayo na ang bahalang magkonek. Wala ako sa mood para uriratin pa ang yadda yadda maddapakingshet ng mga manghuhulang yan.
24. Wala akong sense of direction. Pero hindi pa rin ako magtatanong maski magkandawala-wala na ‘ko. Gut feel na lang ang paiiralin ko pag nagkaganun.
25. Pessimistic ako. Bali-baliktarin mo man ang mundo, half-empty pa rin ang tingin ko sa kalahating baso ng alak sa mesa mo.
Ayun. Puke ng ina! Natapos din. VanVan at Gavin (Uuy..bagay ah! Ginawang item? Bwahahaha!), sa susunod na itatag niyo ko, gawin niyo pang mas mahaba ha. Gawin niyong pipti o kung medyo sinipag-sipag naman kayo, 100 na lang. Nasisisiwan ako eh. Lolz! Taena. Jokeness lang. Parang awa niyo na, last na ‘to. Ayokong dumugo ang utak ko kakaisip ng mga katarantaduhang ekek tulad nito.
At kung akala niyo eh dito na nagtatapos ang lahat, nagkakamali kayo. Hindi ko palalampasin ang araw na ‘to na hindi ipinapatikim sa ibang blogger ang hirap, pasakit, at dugo’t pawis na kelangan mong ibuwis para lang maalala ang kung anu-anong kaekekan sa buhay mo. Sa puntong ito, tinatag ko ang mga sumusunod na bloggers na wala akong pakialam kung bisi-bisihan at hindi man lang madalaw ang walang kwentang kutang ‘to para malamang natag pala sila at kelangan din nilang sumailalim sa napakahirap na eksamin sa mainit na purgatoryo (yun eh kung meron ngang purgatoryo):
kakosa * mang badoy * flamindevil * ferbert * tinay * miss iris * miss chin * komski and karmi * messynutthead * essie-chan * binchee
Ang hindi tumupad sa tag na ‘to, hindi ko na pagkakalooban ng comment kong napakalufeeeet. At hindi na tayo bati. Period. No erase. Itaga niyo ule yan sa mga pekpek at betlogs niyo bato!
Previous Comments
taena.. magsasabi lang ng dalawamput limang katotohanan tungkol sa sarili andami pang satsat eh… duuuuuuuun ka sa baranggang magpaliwanag..hehehe
sandali tuloooooy basa muna..
andami mong satsat eh
anooo?
kasama ako? lols
taena… sige papatulan ko to sa mga susunod na oras.. pagkatapos na ng balentayms..
nakakaintindi nman siguro ang gifted child ano? kitakits nalang
ps.
Kosa,
o
Kosa.Pogi
lang..
hindi
KaKosa..
lols tinapon ko na yun!
ako ba yung kakosa?
hehehe
yun ang dati kong gamit..
@tinay: bahala ka sa buhay mo. hindi na ko magcocomment sa bulagspot mo hangga’t di ko nakikita ang tag post mo. behlat! hindi tayo bati. op kors may dir. mano pa’t naging magka-wavelength tayo kung ala tayong pagkakahawig. ![]()
hndi ba nagtatag si miss chin? ok lang. hindi naman ako madalas magcomment dun. pero ikaw, maaatim mo bang hindi na ko bumisita sa kuta mo? isa pang sarkastikong behlat! nyahahaha!
btw–ayoko nga. baka ipakulam mo pa. nyahahaha!
@kosa: weh. talagang marami akong satsat dahil kumukulo ang dugo ko sa puke ng inang gavin at vanvan na yan. mga leche! lolz!
whooooh. obyus na lab na lab mo ang pook-sapot ko. nagcocomment na agad nang di pa pala nababasa nang buo. nyahahaha!
oo. kasama ka sa tinag ko. ano un, ako na lang ba ang di magkandaugaga sa kaiisip ng kung anu-anong kaekekan sa sarili kong buhay. utot mo. damay ka sa lecheng katarantaduhan ni gavin at vanvan. wahahaha!
p.s. oo. ikaw yang kakosa. i-hover mo kasi yang mouse pointer at nang makita mong nakahyperlink ang kuta mo. taena! eh gusto ko ngang kakosa eh. may nalalaman ka pa ngayong kosa.Pogi? ang mahalaga importante! nyahahaha!
whoa ang haba ng tag na to, ahah 25 talaga pero ayus basahin. ang mali yung may baby ka na? ahahaha. guess lang.
Posted by Basti at February 13, 2009, 5:44 am@basti: oo. taragis talaga yung mga nyetang nagtag sakin. pero dahil ayoko ng kaaway, pinatulan ko na. lolz!
hmmm…read between the lines. sikretong malufeeeeet! hahaha.
waaaaa…..ok ok…so papa lio loco kana pala…
well, later na ako mgcocomment ng super bongga..medyo busy ang kariktan ko ngayon…
Posted by vanvan at February 13, 2009, 8:20 amantindi ng mga putaragis na sagot..ibang klase ka lio. effortless ang pagsagot sa tag.
hindi ko nahulaan kung alin yung hindi totoo sa mga sagot mo.
inadd kita sa links ko para balikan ko pa tong kuta mo.
@vanvan: bat mo naman nasabing papa ako? wag mo kong tawaging papa lio loco. pumapatol ako sa mga may bi-ep na. baka hindi ako makapagpigil. bwahahaha!
jokeness lang. okey sa olrayt yang papa lio loco moniker na yan. pwede mo ring dagdagan ng papa lio loco cute! lolz!
magtrabaho ka ngang maige. sayang ang binabayad sau ng taragis na amo mo kung puro na lang walang kakwenta kwentang datkom ang minomolestiya mo maghapon. lolz!
hahaha! at talagang busy ang kariktan eh, no? lolz!
@gasti: at may bagong bisita. ikaw ba si gasti na laging dinadamay sa katarantaduhan nitong siraulong maddapakingshet na si maldito? hehehe.
nahirapan ka ba? mukang totoo lahat di ba? pero dalawa't kalahati jan ang pseudo-truth.
ibahin mo ko parekoi. malinis ako trumabaho. ilang pasada muna bago ko ipost ang blog ko. hindi tulad ng iba jan. obyus ang bluff. bwahaha! oo, hindi ko sasabihing si maldito ang tinutukoy ko. lolz!
daan lang parekoi. salamat sa pag-link. bisitahin ko maya kuta mo. nasa opis ako ngayon. blocked ang wordpress at blogspot dito. taragis na mga IT. kaya nga nag i.ph ako eh. hehehe.
22. Hindi ako masyadong mahilig sa music pero lumaki akong nakikipagbasagan ng gitara (maski na hindi ako marunong maggitara) sa himig ng Huling El Bimbo at ng iba pang musika ng Eraserheads. Peyborit song ko sa mga awitin nila ‘yung Hard to Believe. I wanted life to be this way, just a little bit of love could mean so much. O please don’t take it all away, but with you heaven is still close enough to touch. Oha oha! Hehehe.
alam mo bang habang nagbabasa ako ng mga hinyupak na tag mo eh kinakanta to ng eheads dito sa kuta ko yan ang sounds ko hehe and you know what dahil alam ko naman na hindi mo rin alam at ipapaalam ko sayo favorite song ko din ang hard to believe na to love it baklang bakla noh hehe ang lupet.at dahil sa sabi mo hulaan ko ang kalahating totoo at kalahating joke o wat ever etong pang 22 na rin ang napili ko,kapag nagkamali ako hindi na tayo bati hehe,.joke lang..peace
bounce
Posted by anakngpating at February 13, 2009, 4:45 pmdinudurog mo na pala kataohan ko dito lio..putah…wahahahaha…baka isipin ng iba ganun na ako kasama…bigyan mo naman ako ng kahit kunting praises dyan..indi puro panira…waahahhaaa…
eto ang choices ko:13 and 17..
[potah…ginwa mo pa talaga na 25 ang choices…gawin mo nalang kaya 500??ahahhaha….total masipag ka naman..
at oo…yan si gasti..kaibigan ko sa blog..isa din siyang haligi ng blogging career dito..lols..
Kung meron man na tao na may kahawig ako…ikaw na siguro yun..dapat magpasalamat ka…ahahahhaa….
PS; Pakyo lio. dahil sa blog mo nahuli ako ng manager ko na nagbabasa nito..potah mo. may incident report na ako..
Posted by Maldito at February 13, 2009, 6:56 pm@anakngpating: i fuckin' beg to disagree. hindi baklang bakla ang hard to believe. ikaw lang siguro ang bakla. bwahahaha! peace man!
kung papansinin mong maige ang lyrics, napakalalim. read between the lines kasi. gantong ganto ang pilosopiya ko sa buhay:
I find it hard to believe
That all the pain that we are feeling
Has some meaning in this world
It’s so hard to believe
When everything you see is different
From the things that you’ve been told
eto pang isa…
I find it hard to believe
That someone up there is waiting
With arms open wide and smiling
It’s so hard to believe
When someone told me that your suffering
Is what you get for living
hindi ko muna sasabihin kung alin ang totoo sa dalawa't kalahating kwentong barbero. saka na. sa susunod na post siguro. dahil jan, hindi na nga talaga tayo bati. behlat!
salamat sa pagdaan. no bounce, no play.
Posted by ssdd at February 13, 2009, 8:28 pm@maldito: at meron ka pa palang katauhang lecheng maddapakingshet ka! bat mo pa kasi ko tinag-tag, sinabi na ngang ayoko ng mga puke ng inang ekek na ganto eh. lolz!
standby sa dalawa’t kalahating bluff.bibitinin ko muna kayo hanggang sa makapagpost ako ng panibago. hehehe.
okei. bisitahin ko maya ang kuta netong binibida mong si gasti. magkano ang binayad niya sau? o baka tulad ka ng mga bilasang puta ni ferbert - 50% off? wahahaha!
gago! wala akong dapat ipagpasalamat sau dahil ni minsan sa hinagap ng buhay ko, hindi ko naisip na maging tulad mo, okei? sarili ko ang personalidad ko at kung may pagkakatulad man tayo, coincidence na lang siguro un. feeling kang siraulong nyeta ka! lolz!
p.s. pakyu ka rin.sinabi ko bang basahin mo ang blog ko? wag mong isisi sa iba ang katarantaduhan mo, okei? be a man! lolz! sana nga maulit pa yang incident report mo at nang bawing bawi ko naman ang paggawa lecheng tag post na to. bwahahaha!
syeeeeettttt..why meee???
syeeeeettttt..thanks sa napakagandang balentayns dey gift mo sakin parekoy.nyahaha.nananahimik ako sa night shift ko binigyan mo ko ng trabaho.awwwww
sagot ko (eto sure ako na hindi totoo)
4 and 25
tama ba?
Posted by flamindevil at February 13, 2009, 10:35 pm@flamindevil: yeeeeeeeeeeeessss, it’s you! lolz! kasama ka dahil tinag ako ng gagong taragis na si maldito. ano un, ako lang dadanas ng brainbleed kakaisip ng taenang mga ekek tungkol sa sarili ko? utot mo. lolz!
ang dalawa’t kalahating bluff ay iri-reveal ko sa susunod na post. abangan!
Oist! Naka sagot na ko ng ganito ha! Di pa ba counted yun? Nabasa mo na yun pramis!
argh. hmph! ayaw! :p
pagiisipan….sigina nga. hmph!
Re-post ko na lang yung dating entry.
Posted by messy at February 14, 2009, 9:14 amoi…taena.. papatulan ko to kapag nakabalik ako sa limelight..
medyo sumasalit lang ang sentido ko sa ngayun kaya ipagpapaliban ko muna..OA mu dun sa komento mo dun ahhh…
walang bawian.. nasabi ko ng papatulan ko eh.. di ko na babawiin.
Posted by koSA.Pogi at February 15, 2009, 3:18 pm@messy: nakasagot ka na ba? repost it then. at kelangan may 2.5 bluff na kasama out of 25 facts and/or pseudo-truths, ryt? hahaha. demanding ako. pag ayaw mo, di na tau bati. behlat!
on second thought, pano nga pala ako hihiram ng mga libro mo kung di tau bati? wehehehe. sige na. bati na ule tayo. pero kelangan mo pa ring tapusin yang tag na yan. or else…lolz!
@kosa: oi…taragis. bilisan mo nang bumalik sa limelight at wla na kong mabasang blog na may sense bukod sa sarili kong kuta. lolz! OA ka jan. panong hindi o-OA eh OA din ung blog post mo. kesihodang magt-TNT raw sa tate pag nagkataon. utot. lolz!
wala talagang bawian. aabangan ko yan kosa.
ibig sabihin 2.26 ang general average mo kasi magna cumlaude 1.25 - 1.50 ang general average di ba?
Posted by mangbadoy at February 16, 2009, 11:06 am@vanvan: waaah! ngayon ko lang napagtanto ang lahat. sinabi mong papa lio loco na ko kasi me anak na ko? lolz! pacenxa. slow pumick up ang neurons at synapses ko dahil sobrang tuliro. ganito talaga pag bangag sa pag-ibig. lolz! mahihimasmasan din ako siguro. muli, pacenxa maski hindi ka biskwit.
@mangbadoy: uhm… nakalimutan ko po palang sabihin. ang grading system samin nung college eh parang nung grade school at high school. ganito ang computation: 88 to 93.99 - cum laude. 94 to 96.99 - magna cum laude. at 97 to 100 - summa cum laude. ayun. hahaha. so ung .79, hindi sa basehang uno, dos tres na markahan kundi sa 80, 90, 100 na grading system. lolz!
Posted by ssdd at February 16, 2009, 12:12 pm






hoy itloy di ako nagtatag, yan ang number one item ko
at may mga pagkakahawig pala tayo, kung mga anu yun, secret parang armpeeet
yung ym item, natawa ako dahil gawain ko yun at pareho tayo ng rasun. di rin nagtatag si chin so wag ka ng umasa pa
btw— pityur naman ni baby mo oh
Posted by tinay at February 12, 2009, 9:59 pm