Home
Pahiram ng Pauso mo Karylle: I am Moving Forward (Goodbye i.PH Domain, Hello Bulagspot Datkomista)
March 19, 2009
Itaga niyo ‘to sa mga pekpek at betlogs niyo, ito na ang huling post ko sa kutang walang kwenta kong ‘to.
(more…)
Confessions of a Virgin Datkomista (Oo…Pers Taym Ko sa Putanginang HTML Ekek na ‘To!)
March 18, 2009Ikaanim na buwan ngayon ng pagkakatatag ko sa walang kuwentang kutang ‘to. At magpopost dapat ako ngayon. Pero wala akong naitipang maayos at hindi barubal. Pasensiya. Naubos ang oras ko kakaayos ng template sa bulagspot datkomista ko. Leche! Ang hirap palang maging datkomista. Magkakatulo ang tite mo. Gusto ko nang bumalik sa user-friendly, html-free navigation ng i.PH. Papasok pa ko mamaya sa pagpapakaputa at wala pa kong matinong tulog. Inday, pakikuha ‘yung blade sa kusina. Maglalaslas ako! Puta!
Impernes, pumalo ang walang kuwentang kutang ‘to nang bonggang bongga sa loob lang ng anim na buwan. Salamat nang marami sa inyong mga naligaw ng landas na walang sawang sumubaybay. Eto ang pruweba…
Huling Laklak ng Alak sa Españang Takatak
March 14, 2009I so fuckin’ love this company!
huling patak ng alak. sa apmnt. ngaun na. take it or leave it.
Kagabi lang eh naisipan kong magpainom. Biglaan. Wala sa plano. Dapat sana eh wan on wan lang talaga kaming dalawa ni Pareng Gerald. Tamang lashing lang kako. Pantanggal ng angas dahil sa pagkapagod sa biyahe na pinalala pa lalo ng buwakanginang trapik. Pero dahil matagal kong hindi makikita ang mga taragis na pagmumuka ng mga hinayupak, inimbita ko na rin ang prenster prens kong aydol si Cory Aquino (kung gaano ako kakuripot, mas kuripot ‘tong mga ‘to…pramis!).
Nagtext ako sa mga katropa kong mga royal highness ng pakiramdaman at pagkarating namin ni Pareng Gerald sa apartment galing sa lampas-riles para bumili ng bulalo, inihaw na pusit at liempong pulutan eh andun na ang mga hinayupak. Walastik! Basta libre talaga anlakas ng pang-amoy ng mga nilalang na ‘to. Gusto ko pa sanang dagdagan ng joke joke joke ‘yung text pero message sent na eh. Wala nang bawian. At andun na sila. Kumaripas ng takbo mula sa kuta nilang pagmamay-ari ng lalakweng may regla papunta sa kuta naming minamandohan ng babaeng pinaglihi sa menopause sa sobrang asim ng pagmumuka.
(more…)
One Crispy "Putanginamo" To Go, Please!
March 10, 2009
Mahirap magpakaputa. Maski na ayaw mo eh kelangan mong ihanda ang mura mong katawan sa mga parokyanong Kanong hayok sa laman. Maski na hindi mo na kaya eh sasairin nila ang natitira mong lakas. Mumurahin ka nang makailang ulet para lang masunod ang gusto nila. Ipagduduldulan sa’yong isa kang puta at sila ang kustomer. Sila ang masusunod at kung gusto nilang sairin ang katas mo magdamag eh pilit nilang ipapagawa sa’yo yun, sa ayaw mo man o sa gusto. Maski na nakaratay ka na sa kama dahil sa sakit eh kelangan mo pa ring kaladkarin ang pototoy at betlogs mo para pumasok sa putanginang kasa. Walang palusot. Walang sinasayang na oras. Walang kawala.
(more…)
How to Fail a Panel Interview for a Probable B-Grade Salary Job Promotion in 53 Minutes
March 6, 2009
Gawd, I miss this talented tongue. And I’m leaving it up to you if you want to deal with the first sentence figuratively or literally. I’d prefer the second, if you ask me. It sort of reminds me of the youthful, naughty brashness that I originally displayed in this good-for-nothing blog site.
So yes, devirginized Virginia, the signature nosebleed, supercalifragilisticexpialidocious English-speak of this narcissistic, angst-ridden bastard is back from semi-hibernation and it’s back with reinvigorated raves and rants yet again.
Folks who’ve gotten used to the wicked vernacular diatribe of Lio Loco, fret not. I am not leaving my bastardly kanto-speak for good. Heck, I owe a good deal of my current readership to the plain Tagalog dishings that I wrote last month. Why would I bite the hand that feeds this blog, right? Let’s just say I need to get a good grip of the yin and the yang, of the universal lingua franca and the nationalistic tongue. I need to savor the best of both worlds. And so yes, I will be leaping from the resident, American English-accented bastard bard to the widely popular, in-your-face Kanto Boy in this blog site every now and then.
(more…)
I’m in Heat! I Need A Chillax Blast from the AC (Or At the Very Least, Any Cheap, Third World Electric Fan)
March 4, 2009
Dapat eh matutulog na ‘ko ngayon. Bukas pa ang iskedyul ng regular post ko sa walang kwentang kutang ‘to. Pero dahil kelangan ko lang talagang ilabas ‘to nang mabilisan para maski papano eh maging mahimbing ang pagkakadapla ko sa kama mamaya, heto ako ngayo’t nagpupuyos ang kalooban at maalab ang mga daliring tumitipa ng bawat letra.
Mainit ang ulo ko ngayon. Kasing-init ng maalinsangang hangin usok dito sa puke ng inang Maynila. Kaya ko nagawa ang ginawa ko sa opis kanina. Hindi ko sinasadya. Kahit kelan, wala sa bokabularyo ko ang magpapansin. Simula’t sapol, mas gusto ko pa ang nasa isang sulok lang. Kung meron mang mga taong gustung gustong maging center of the solar system, ‘yung mga lecheng nilalang na laging feeling bida, ‘yung gusto eh laging pinag-uusapan, ‘yung tipong artistahing kontrabida ang dating sa taragis na telenobela, hindi ako ‘yun. Dahil isa akong self-confessed introvert. Kuntentong nasa side lines at nagmamasid lang. Pero biglang nagpanting ang tenga ko kanina. Biglang nagbaga, uminit nang bonggang bongga. Hindi ko sinasadya.
Sa lahat ng ayoko eh ‘yung pinagduduldulan sakin ang pagkakamali ko. Tatanggapin ko naman kasi ‘yun nang kusa eh. Sasabihin kong nagkamali ako. Wag mo nang ipagdiinan, higi’t lalong ibalandra sa buong mundo na gumawa ako ng taragis na kapalpakan na ikakapahiya ng sarili kong narsisistiko’t perpeksiyonistang katauhan.
(more…)
Suddenly, the Narcissistic, Angst-ridden Bastard (Who Values His Anonymity Ad Infinitum) Begins to Open Up to the Freakin’ Third World Pinoy Blogosphere (Last of Two Parts)
March 1, 2009
Likas na sa mga Pinoy ang pagiging adeek sa piktyuran. Bigyan mo ang isang nilalang na nagkukuta sa España ng isang DSLR at pihadong ang unang-una niyang gagawin eh magkukulong sa kwarto, magtatanggal ng damit at salawal at pipiktyuran ang sarili nang hubo’t hubad. Patay-malisya ang puta. Tapos pag nagsawa na sa kakatingin sa nude photo eh saka naman buburahin para ‘wag maikalat ang scandal sa makamundong malawak na sapot.
Wag kang ipokrito. Ayon kay Good Times Moe Twister, SOP na yan kapagka nagkaroon ka ng isang gadget na kayang kumuha ng litrato, mapa-camera phone man yan, digital camera, o jurassic manual camera na kelangan ng rolyo ng film (buhay pa ba ang mga ganung klase ng camera?).
Kaya nga nauso sa Third world kawntring ‘to ang mga social site ekeks tulad ng Friendster, Facebook at Flicker na walang patid sa pagbalandra ng mga animalistic na kuha ng salinlahing adeek sa sariling imahe. ‘Yung tipong “Hoy! Walang pakialamanan! Eh sa gusto kong makita kung gaano kalaki ang butas ng ilong ko at kung gaano kakapal ang busal ng bibig ko…kebs!” kind of reaction. Hindi sapat ang araw-araw nang pagtingin sa salamin pagkagising, pagkatapos maligo, bago maalis, pangalawang ulet bago umalis, pangatlong ulet bago umalis dahil hindi kuntento, pang-apat na harap sa salamin bago umalis dahil parang may kulang, pagkarating, at bago matulog.
(more…)
Suddenly, the Narcissistic, Angst-ridden Bastard (Who Values His Anonymity Ad Infinitum) Begins to Open Up to the Freakin’ Third World Pinoy Blogosphere (First of Two Parts)
February 27, 2009
Allergic ako sa tao. Nasabi ko na yan kelan lang dito sa walang kwentang kutang ‘to. Hindi ako mahilig makipagharutan sa mga taong ang bisyo sa buhay eh makipag EB at makipagsexmate textmate nang bonggang bongga. Wala akong account sa Multiply, Plurk, Twitter, Facebook, at kung anu-ano pang social site ekek at ang kaisa-isang Friendster account ko na pinilit lang ipagawa sakin ng utol ko eh minsan sa isang dekada ko lang nabibisita.
And don’t shove that pathetic “No man is an island” cliche up my ass. I tell you, I have friends albeit only a select few and I don’t live in cliches. That’s because in a world of 6.7 billion drones, you could get to handpick and count folks who talk sense and command respect for moving out of the cardboard box reality TV celluloid. The rest, sadly, are mindless marionettes who won’t even make a shit even if their strings are cut. So yes, I tend to polarize towards the aberrations of society, the ones who are within my wavelength’s league.
(more…)
Dear Mr. Motherfuckin’ IT from Friggin’ Third World Hell
February 25, 2009
Masaya ka na ba? Masaya ka na ba ngayon at meron ka na namang panibagong website na natuklasang kumukunsumo ng limpak-limpak na bandwidth at madalas palang binabasa sa loob ng production floor? Masaya ka na ba at nagawa mo nang tuluyang putulin ang kaligayan ng walang kwenta kong kuta? Masaya ka na ba sa pag-block sa Breathing the SSDD Mantra?
Hindi ko talaga lubos-maisip kung bakit sa dinami-dami naman ng pwedeng paghari-harian ng kukote mong sing-purol ng kutsilyong ginamit sa pagtuli sa ga-kukong pototoy ni Dagul eh ‘yung blog site ko pa ang napagdiskitahan mo.
Inaano ka ba ng kuta ko? Inaano ba kita? Wala naman akong ginagawang masama di ba?
(more…)







